• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Golden girl’ Hidilyn Diaz pabalik na ng PH, pasalubong ang ‘Olympic gold medal’

Pabalik na ng Pilipinas si Hidilyn Diaz matapos ang matagumpay na kampanya sa Tokyo Olympics dala ang gold medal sa nilahukan na weightlifting competitions.

 

 

Sa ulat  mula sa Narita International Airport sa Japan, maliit lamang daw ang entourage ni Diaz kung saan kasama rin pabalik ang presidente ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas na si Monico Puentevella.

 

 

Ayon sa report ni Briones, pagdating ng Narita International Airport ay pinasalubungan pa ng bouquet of flowers si Diaz mula sa Philippine Airlines (PAL).

 

 

Inaasahang bago mag-alas-6:00 ng gabi ay lalapag sa NAIA ang sinakyang PAL flight nina Diaz.

 

 

“Toast of the town” ngayon si Hidilyn dahil siya ang naging daan upang matuldukan na rin ang pagkauhaw ng Pilipinas sa gintong medalya sa Olimpiyada na inabot na rin ng halos 100 taon.

 

 

Mula pa kasi noong taong 1924 ay lumalahok na ang Pilipinas sa Olympics pero kailanman ay hindi pa napanalunan ang gold medal.

 

 

Sa pagbalik ni Hidilyn sa bansa, tiyak na ang kabi-kabilang hero’s welcome sa kanya at ang nag-aantay na mahigit sa P35 million case na incentives, meron ding house and lot, condo units at iba pa.

Other News
  • Magsayo idedepensa ang WBC belt vs Vargas

    WALA munang rematch sina reigning World Bo­xing Council (WBC) fea­therweight champion Mark Magsayo at Gary Russell Jr.     Ito ay matapos ipag-utos ng WBC ang mandatory title defense ng Pinoy pug laban kay Mexican challenger Rey Vargas.     Umaasa ang ilan na magkakaroon agad ng Part 2 ang Magsayo-Russell fight.     Subalit […]

  • Ads August 31, 2021

  • COVID increase projection dahil sa nagdaang eleksyon, ngayong linggo inaasahan- Dr . Solante

    INAASAHANG ngayong linggong ang simula ng projection na ginawa ng mga eksperto patungkol sa posibleng pagsipa ng kaso ng COVID 19.     Sinasabing, ito na kasi ang ikalawang linggo o eksaktong 14 na araw makaraang idaos ang national elections kung saan ay nagsipagdagsaan ang may higit 60 na milyong mga botante sa iba’t ibang […]