Golden State Warriors natuwa sa pagbabalik na sa practice ni Klay Thompson
- Published on October 1, 2021
- by @peoplesbalita
Nagbubunyi ngayon Golden State Warriors matapos na makita sa kanilang training camp ang pagbabalik na ni NBA superstar Klay Thompson.
Inabot din ng mahigit sa dalawang taon na hindi nakapaglaro si Thompson sa NBA.
Sumailalim kasi ito sa pagpapagamot matapos magtamo ng pagkapunit ng ACL sa kanyang kaliwang paa sa Finals ng Game 6 noon pang June 2019.
Si Thompson ang itinuturing na isa sa pinakamatinding shooter sa liga.
Natuwa naman si Warriors coach Steve Kerr sa nakita sa team practice na mistulang hindi pa rin daw kumukupas ang pamatay na mga three-point shots ni Thompson.
Sa kabila nito, ilang buwan pa ang aantayin bago tuluyang makalaro si Klay sa koponan kung saan sa October 19 na magbubukas ang bagong season ng NBA.
Nabanggit na rin ni Thompson na nasa 80 porsyento pa lamang siya at puspusan pa rin ang rehabilitasyon sa kanya
-
CATRIONA, sagana sa alaga ni SAM at ini-spoil din sa mga gifts; naniniwalang ‘she’s the one’
PARA raw kay Sam Milby, ang girlfriend na si Catriona Gray na ang “the one” niya. Sinabi ito ni Sam sa naging interview niya sa Mega Entertainment. Sabi ni Sam, “I wouldn’t be with Cat if I don’t think she’s the one. At my age also, why would I be wanting to […]
-
Pres. Duterte tinawag na bayani si Duque sa paglaban sa COVID-19
Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III bilang bayani ng bansa sa paglaban sa COVID-19. Sa national address nitong Lunes ng gabi sinabi nito na nagiging maganda ang paglaban ng bansa sa nakakamatay na virus kung ikukumpara ito sa ibang mga bansa. Hindi rin […]
-
Super Suwerte hinahanap ng bayang karerista sa PGC
KABADO ang mga tagasunod ni Super Suwerte dahil nasa reserve list lang sa nakatakdang 2020 Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa darating na Linggo, Disyembre 27. Nasa 15 kabayo ang naghayag ng intensiyong lumahok sa prestihiyosong karera. Pero 14 lang ang mga tatanggaping entry. Sa kapapaskil ng […]