• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gonzales sinagot patutsada ni Bato sa ICC probe ng Kamara

IGINAGALANG umano ni House Deputy Speaker at Pampanga  Rep. Aurelio Gonzales Jr. ang pahayag ni Sen. Ronald dela Rosa subalit dapat din umano nitong igalang ang ginagawang pagganap ng kamara sa mandatong ito.

 

 

“As the senator very well knows, the House of Representatives is mandated to act on resolutions filed by its members regardless of political affiliations in the same manner that the Senate takes action on measures presented by senators,” giit ng kongresista.

 

 

Ayon kay dela Rosa, ginagamit ng kamara ang imbestigasyon ng ICC upang patahimikin ang mga Duterte.

 

 

Isa sa mga trabaho ng Kamara ay dinggin ang mga inihahaing resolusyon ng mga kongresista.

 

 

Tatlong resolusyon ang nakahain ngayon sa kamara na nananawagan sa gobyerno na payagan ang International Criminal Court (ICC) na makapagsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng madugong war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.  (Ara Romero)

Other News
  • Pinag-iisipan kung ano ang magiging timeslot: Show ni LUIS, posibleng makatapat sa pagbabalik sa ere ni WILLIE

    FROM an ABS-CBN insider na ayaw magpabanggit ng pangalan ay nalaman naming nakatakdang magbabalik sa ere ang “It’s Your Lucky Day” ni Luis Manzano.     Nope, hindi raw naman ito ang magiging kapalit ng natsugi sa ere na “Tahanang Pinakamasaya.”     Nalaman din namin na ang “It’s Showtime” na nga ang makatatapat pa […]

  • PSA at PhilPost pinapabilisan ang pagdeliver ng mga national ID

    PABIBILISAN  na ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang paghahatid ng PhilIDs sa mga indibidwal na nakarehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys).     Nagkasundo si PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General; at ang bagong Post Master General at CEO Luis Carlos, na patindihin pa […]

  • Tsina, hindi magdadala ng giyera, kolonisasyon sa Pinas- envoy

    TINIYAK ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na hindi magdadala ng giyera at kolonisasyon ang  Tsina sa Pilipinas.     Sa halip, ang bibitbitin aniya ng Tsina ay kooperasyon  at pagkakaibigan lalo pa’t ang daan na tinatahak ng Tsina ay modernisasyon.     Sa kabilang dako, sa gitna ng hindi pa rin nalulutas […]