Google, YouTube hinto muna sa pol ads
- Published on December 4, 2021
- by @peoplesbalita
Pansamantalang ihihinto ng internet giant Google kasama ang sikat na platform na YouTube ang pagtanggap ng mga political ads pagsapit ng ‘campaign period’ sa 2022.
Sa pahayag ng Google, epektibo ito sa mga election ads na binayaran sa Google Ads, Display, Video 360.
Maging sa mga shopping platforms na pino-promote naman sa Google, YouTube, at iba pa nilang mga kapartner.
Epektibo ito mula Pebrero 8, 2022 hanggang Mayo 9, 2022 sa kasagsagan ng campaign at silence period.
“Google is focusing its efforts and resources on upcoming election-related initiatives which aim to help people access useful and accurate information via product features and media literacy programs, encourage participation in the voting process, and help protect the integrity of the elections,” ayon sa Google.
Nakikipagtulungan din umano ang Google sa Commission on Elections (Comelec) sa ilang inisyatibo sa halalan tulad ng voter registration na hino-host ng Google Cloud.
Sa kabila nito, may iba pang plataporma para makapagpa-ads ang mga kandidato gamit ang internet sa pamamagitan ng ibang platforms tulad ng Facebook, Twitter at iba pang internet browsers at applications.
-
Fare hike sa jeep, TNVS at buses, binubusisi na ng LTFRB
PINAG-AARALAN pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon sa hiling na dagdag-pasahe para sa jeepneys, transport network vehicle services (TNVS) at mga bus. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTFRB executive director Tina Cassion na maraming bagay silang ikinukunsidera bago maglabas ng desisyon hinggil sa mga naturang […]
-
Cha-cha ‘word war’ sa pagitan ng Kamara at Senado, itigil na
HINIKAYAT ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang mga lider ng dalawang kapulungan ng kongreso na mag-usap at ayusin ng pribado ang kanilang bangayan sa isyu ng isinusulong na constitutional amendments ng Kamara sa halip na mag-away sa publiko. Umapela pa ang mambabatas ng parliamentary courtesy at ayusin ng pribado ang pinagkakaiba ng […]
-
Maraming kausap at pinag-aaralan ang mga offers: Pagbabalik sa GMA ni BOY, balitang sure na sure na
BALITANG sure nang magbabalik-GMA si King of Talk na si Boy Abunda. Hindi pa nga lamang sinasagot ni Kuya Boy kung sa anong channel siya. Ayon sa kanya, pupunta muna siya sa USA for some previous commitments there at pagbalik niya, sure nang balik-TV na ulit siya. Inamin ni Kuya Boy […]