• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gordon, bahag ang buntot na maging paksa nang pagsisiyasat ng COA ang PRC

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na takot si Senador Richard Gordon na maging paksa ang Philippine Red Cross (PRC) nang pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA).

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee ukol sa P8-bilyong halaga ng pandemic supply na binili ng pamahalaan mula sa maliit na kumpanya na Pharmally corporation na pag-aari ng isang dakot na Chinese individuals.

 

Si Gordon, tumatayong PRC chair, ay siya ring chairman ng Senate blue ribbon panel.

 

“Takot ka [ma-audit] kasi marami kang atraso over the years,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

“You won’t have the time to cover up everything,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang pondo ng pamahalaan na ibinayad sa PRC para sa pagsasagawa ng RT-PCR COVID-19 test ay paksa sa COA audit.

 

Inulit ni Pangulong Duterte ang naunang sinabi ni Sec. Roque na mahaharap ang senador sa isang pagtutuos.

 

“We need to know nasaan na ang pera , Senator Gordon. I am demanding an answer, and we will go over it with COA report which is a public document,” giit ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Napansin din si Juancho bilang Padre Salvi: BARBIE at JULIE ANNE, nominated sa TAG Awards Chicago dahil sa ‘Maria Clara at Ibarra’

    HINDI pa man natatapos ang GMA teleserye na Maria Clara At Ibarra ay nakakatanggap na ito ng nominasyon para sa cast. Nilabas ng TAG Awards Chicago ang kanilang nominasyon para sa iba’t ibang kategorya at nominated si Barbie Forteza for best actress at si Julie Anne San Jose as best supporting actress. Sobrang natuwa naman […]

  • April opening target ng NCAA

    Magdiriwang ang sports fans sa Abril sa susunod na taon dahil sabay-sabay na magbubukas ang malalaking torneo sa naturang buwan.   Plano rin kasi ng NCAA na simulan ang Season 96 nito sa naturang petsa sakaling maging maayos na ang lahat.   Makakasabay ng NCAA sa opening nito ang UAAP na una nang nagpahayag na […]

  • Nakahahabag ang caption sa IG post: KATRINA, nagluluksa sa pagpanaw ng boyfriend na si JEREMY

    PINAGLULUKSA ng Kapuso actress na si Katrina Halili ang pagpanaw ng kanyang boyfriend, ang former Wao, Lanao Del Sur Vice Mayor Jeremy Guiab.   Sa Instagram, pinost ni Katrina ang photo ni Jeremy na may nakahahabag na caption na: “Ang daya mo Love, sabi mo aalagaan mo kami ni Katie. Bakit iniwan mo kami?”   […]