• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Government employees, sang-ayon na babaan ang edad sa pagreretiro

BUKAS ang ilang mga empleyado ng gobyerno sa hakbang ng House of Representatives na babaan ang kanilang opsyonal na edad sa pagreretiro mula 60 hanggang 56 na taong gulang.

 

 

Ayon kay Atty. Aileen Lizada ng Civil Service Commission, ang isang konsultasyon ng mga tauhan sa buong bansa na isinagawa noong 2019 bago ang pandemya ng COVID-19 ay nagpakita na gusto nilang magretiro sa mas batang edad.

 

 

Aniya, ang Pilipinas ang may pinakamatandang mandatory age at optional retirement age sa Association of Southeast Asian Nation o ASEAN.

 

 

Dapat umano na bigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng gobyerno na gamitin ang kanilang natitirang productive years para sa iba pang makabuluhang bagay.

 

 

Sa ngayon, umaapela si Lizada sa Senado na isaalang-alang ang counterpart bill para sa maagang pagreretiro ng mga empleyado ng gobyerno ng ating bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Sarno sinungkit ang 2 gold sa Tashkent Asian lift fest

    NAGREYNA sa Vanessa Sarno nang pamayagpagan ang women’s 71-kilogram division ng ginaganap pa ring 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships 2021 sa Tashkent, Uzbekistan nitong Miyerkoles ng gabi.      Pinitas ng edad 17 Pinay na barbelista mula sa Tagbilaran, ang gold medal sa total lift sa 229 kgs. at sa clean and […]

  • WATCH THE FIRST TRAILER OF “FANTASTIC BEASTS: THE SECRETS OF DUMBLEDORE” NOW

    YOU are invited back to the magic.  Watch the first trailer of “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore,” only in Philippine cinemas soon.     YouTube: https://youtu.be/WImIBmuICrQ     Facebook: https://www.facebook.com/warnerbrosphils/videos/659034998437494/       About “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore”       Warner Bros. Pictures’ “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” is the newest adventure in […]

  • ‘Moderna vaccine mayroon ng 94.5% effectivity’

    Ipinagmalaki ngayon ng kumpanyang Moderna na mayroong 94.5% na epektibo ang kanilang bakuna laban sa COVID-19.   Base ito sa lumabas na data sa pinakahuling stage trial ng nasabing vaccine.   Ito na ang pangalawang US company na mayroong 90% effectivity na una ay ang Pfizer Inc.   Magugunitang tiniyak ni US President Donald Trump […]