Gov’t uutang muli sa BSP ng P300 Billion
- Published on December 10, 2021
- by @peoplesbalita
Muli na namang uutang ang administrasyong Duterte sa sunod na taon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang pondohan pa rin ang ang mga programa laban sa COVID-19.
Gayunman ang halagang uutangin ay mas mababa umano kumpara sa mga nakalipas dahil na rin sa pagganda ng bahagya sa kondisyon sa ekonomiya.
Ayon sa statement ni Department of Finance Sec. Carlos Dominguez III, sumulat na siya kay BSP Governor Benjamin Diokno sa balakin ng gobyerno na umutang ng aabot sa P300 billion sa central bank.
Kung tutuusin mas mababa raw ito kumpara sa P540-billion na babayaran ng pamahalaan bago ang January 12, 2022.
Ang bagong uutangin na P300 billion para sa pandemic response ay kapareho din ng patakaran sa naunang loans sa BSP na zero interest ang babayaran sa loob ng tatlong buwan na maaring ma-extend pa ng hanggang tatlong buwan.
“We have seen economic recovery already begin to take root as more businesses embark on a safe reopening with the successful rollout of the government’s mass vaccination program,” ani Sec. Dominguez III sa sulat kay Gov. Diokno. “The extension of a new P300-billion provisional advances will ensure sufficient resources for the government to safeguard this promising but still fragile recovery.” (Daris Jose)
-
Marami pang INFRA PROJECTS para palakasin ang ekonomiya ng MIMAROPA – PBBM
NAGSASAGAWA ang gobyerno ng mas maraming pangunahing infrastructure projects sa Mindoro Occidental, Mindoro, Oriental, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA) region para palakasin ang ekonomiya nito. Sa isinagawang pamamahagi ng financial aid sa Palawan, araw ng Huwebes, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang gobyerno ay hindi lamang masigasig sa pagbibigay ng social services […]
-
Megawide gustong mag-operate ng EDSA busway
ANG infrastructure giant na Megawide Construction Corp. ay naghayag ng kanilang interes na sila ang mag-operate ng EDSA busway kung sakaling ibigay ng pamahalaan ang pamamahala nito sa pribadong sektor. Ipinagmamalaki ng Megawide na sila ay may kakayahan sa route management at station development ng nasabing transportasyon. “We would vie for […]
-
Ama, kinasuhan ng Human Trafficking ng NBI
SINAMPAHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong human trafficking ang isang ama matapos itong arestuhin sa aktong pagbebenta ng kanyang 11-buwang sanggol sa halagang P55,000. Kinasuhan sa Quezon City Prosecutor’s Office si Kenneth Crisologo na naaresto noong Setyembre 3 sa isinagawang entrapment operation ng mga ahente ng Special Task Force (NBI-STF) […]