• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grab driver, 1 pa kulong sa P136K shabu sa Valenzuela

DALAWANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang grab driver ang nakuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Vhal Ramos, 38, grab driver at Jogel Co, 36, driver ng 532 Fe St., Don Pedro, Brgy. Marulas.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy bust operation sa bahay ni Ramos sa No. 15, Palo Alto St.,  Brgy. Marulas.

 

 

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang plastic sachet ng shabu na nasa P3,000 ang halaga si PSSg Robbie Vasquez na umakto bilang poseur-buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at limang pirasong PP500 boodle mmoney, P300 cash, coin purse at 2 cellphones.

 

 

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • “Real queens support each other”: HEART, nagsalita na tungkol sa pagkakaayos nila ni MARIAN

    MARAMI ang nagdiwang na nagkaayos na sina Heart Evangelista at Marian Rivera.     Panahon ng shooting nila noong 2011 ng pelikulang ‘Temptation Island’ nagsimulang umikot ang balitang magkagalit ang dalawang reyna ng GMA.     Pero kamakailan, makalipas ang labingdalawang taon ay nagulantang ang marami dahil biglang pina-follow na nina Heart at Marian ang […]

  • Kathryn, labis ang pasasalamat na tuloy ang work sa gitna ng pandemya

    SA gitna ng pademya, tuloy tuloy pa rin ang trabaho para kay Kathryn Bernardo na labis niyang pinagpapasalamat.   Kailangan lang ng ibayong pag-iingat kaya’t nasa isang lugar lang sila at bawal ang out- side contact habang may shooting o taping.   “Marami pa rin pong projects and right now we really have to stay […]

  • KAHIT MAY PANDEMYA, ELEKSIYON TULOY

    SA kabila ng pandemya dulot ng COVID-19, itutuloy pa rin ang 2022 presidential polls sa itinakdang petsa.     Ito ang sinabi Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang interview sa radyo.     Tiniyak ng poll chief sa publiko na gaganapin pa rin ang halalan sa May 9,2022 .     Sinabi pa ni Jimenez […]