• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grab, kinastigo ng LTFRB sa hearing sa surge fee

KINASTIGO ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board ( LTFRB) ang My Taxi Philippines/ Grab dahil sa walang dalang kaukulang dokumento na nagpapatunay sa alegasyon  na sila  ay nagka-COVID kaya hindi nakarating sa nagdaang public hearing noong Disyembre.

 

 

Ang public hearing ay isinasagawa patungkol sa reklamong surge fee na sinisingil ng Grab sa kanilang mga commu­ters .

 

 

Hinanap din ng LTFRB board sa pangu­nguna ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz sa mga opisyal ng  Grab ang dokumento na nagpapaliwanag kung magkano at paano ang ginagawang pagsingil ng  surge fee sa kanilang mga commuters.

 

 

Sa hearing, sinabi ni Atty Ariel Inton, founding President ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na dapat ay nagbitbit na ang Grab ng mga kailangang dokumento hinggil sa alegasyong naniningil ito ng surge fee sa mga pasahero na hindi aprubado ng LTFRB.

 

 

Sinabi ni Chairman Guadiz na dapat maipaliwanag ng maayos ng Grab ang isyu sa surge  fee dahil marami ang nagrereklamo hinggil dito.

 

 

“Ipaliwanag nyo ng maayos ang surge fee na sinasabing nagkaroon ng overpricing” sabi ni Guadiz sa Grab.

 

 

Ayon kay Inton, kinumpirma ng Grab na sila ay nasingil ng P85 surge fee  pero dapat anya ay P45 pesos lamang ito.

 

 

Muling itinakda ng LTFRB board ang hea­ring bukas, araw ng Huwebes (January 12) upang makapaglabas na sila ng desisyon para dito.

 

 

Ayon sa Grab, isusumite nila ang lahat ng kailangan ng LTFRB tungkol dito. (Daris Jose)

Other News
  • Bulacan, muling isinailalim sa MECQ na may localized lockdowns mula Agosto 16-31

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa tagubilin ng National Inter-Agency Task Force (IATF), inanunsiyo ni Gob. Daniel R. Fernando kamakailan na mula ngayon, Agosto 16-31, muling isinailalim ang Lalawigan ng Bulacan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ayon sa Executive Order No. 30 series of 2021 na may localized lockdowns at curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga bunsod […]

  • Teng, opensa ng Aces

    WALANG palya sa postseason ang Alaska Milk nitong 2019, hindi lang sila nakakatalon ng quarterfinals.   Lumagpak sa No. 8 sa Philippine Cup, sinipa agad ng No. 1 Phoenix Pulse sa quarter. No. 8 ulit sa Commissioner’s, nakauna sa TNT sa quarters pero sadsad sa pangalawang laro.   Habang umangat sa No. 7 ang Aces […]

  • Ibang ‘Manalo’ ang nagwagi sa Miss Universe PH: CHELSEA, nanggulat at kinabog ang early favorite na si AHTISA

    DUMAGUNDONG ang buong Mall of Asia Arena, Miyerkules ng gabi, nang tawagin ang Quezon Province bilang second runner sa Miss Universe Philippines 2024.       Early favorite kasi si Ahtisa Manalo ng naturang lalawigan bilang bagong kandidata sana ng Pilipinas sa Miss Universe na gaganapin sa Mexico late this year.         […]