• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grab rider, 3 pa timbog sa Malabon, Valenzuela buy bust

MAHIGIT P.1milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 39-anyos na Grab rider na naaresto sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, alas-4:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa P. Aquino Avenue, Brgy. Tonsuya na nagresulta sa pagkakaaresto kay Michael Repolido, 39, grab rider at Ryan Romero, 33, vendor, kapwa ng Caloocan City.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang 12 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) value ng P81,600.00, P500 marked money at coin purse.

 

 

Sa Valenzuela, nabitag naman ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela CPS sa pangunguna ni PCpt Joel Madregalejo sa buy bust operation sa Felipe Suerte St., Fortune 2, Brgy., Gen T De Leon, alas-4:20 ng madaling araw si Harold James Royo, 25, ng Caloocan City.

 

 

Ani Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, nasamsam kay Royo ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may SDP value na P34,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 15-pirasong P500 boodle money at isang motorsiklo.

 

 

Samantala, narekober naman kay Lito Horillo, 55, ng Caloocan City ang nasa P37,400.00 halaga ng hinihinalang shabu, P300 buy bust money, P200 bills at cellphone matapos siyang madakip ng mga operatiba ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Calle Onse, Brgy. Gen T De Leon, alas-8:30 ng umaga.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Malabon at Valenzuela CPS sa kanilang pagsisikap para maaresto ang mga taong nagpapakalat illegal na droga. (Richard Mesa)

Other News
  • ON-LINE TAKING SA MGA BAR PASSER IPAPATUPAD NG SC

    ISASAGAWA ng Supreme Court (SC) ang on-line oath taking  sa lahat ng mga nakapasa sa 2019 Bar Examination sa darating na Hunyo 25. Ito ay matapos na aprubahan ng SC ang isang resolusyon  para gawin on-line ang oath taking ang mga bar passer  para maiwasan ang hawahan ng coronavirus disease (COVID-19). Nabatid na nakakonekta rin […]

  • PDU30, gustong imbestigahan ng DoH ang “false positives” ng PRC

    HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Department of Health (DOH) na imbestigahan ang napaulat na reklamo tungkol sa “false positives” ng Covid-19 tests na ginawa ng Philippine Red Cross (PRC).   Sa kanyang Talk to the People, araw ng Lunes ay sinabi ng Pangulo na nakatanggp siya ng ulat na mayroong “false-positive results” sa […]

  • RABIYA, baka umasa kung naging aware sa tsikang magiging leading lady ni JOHN LLOYD

    NAGLULUKSA ang mga taga-Philippine television industry dahil sa biglang pagpanaw ng veteran television director na si Bert de Leon.   Pumanaw si Direk Bert ngayong November 21 dahil sa kumplikasyon sanhi ng COVID-19.   Kilala si Direk Bert sa mga TV shows na kanyang hinawakan at karamihan dito ay top-rating at tumatagal ng ilang taon […]