• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grab sa TNVS: ‘Inactive’ drivers, alisin sa master list

PINAKIUSAPAN ng ride-hailing giant na Grab ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na alisin sa master list nito ng transport network vehicle service (TNVS) drivers ang mga inactive na miyembro.

 

Sinabi ni Grab president Brian Cu na tinatayang higit sa 5 milyong tao ang magbo-book ng biyahe sa buong Metro Manila sa susunod na buwan.

 

Ang pag-alis sa mga inactive na TNVS drivers mula sa master list at pagpuno sa mga bukas na slot ang makakatulong upang siguruhing may sapat na biyahe anumang oras.

 

Nagtakda ng 65,000 cap ang LTFRB para sa mga TNVS drivers.

 

Ang Grab, ayon kay Cu, ay mayroong 45,000 na accredited drivers sa ngayon kahit 35,000 lamang ang tumatanggap ng bookings sa araw-araw.

 

Ramdam umano ang shortage noong nakaraang holiday season, kung saan nakakapagtala ng nasa 3 milyong bookings sa isang araw ang transport company.

Other News
  • Maraming Pinoy kulang ang tiwala sa vaccination program ng bansa- SWS

    Marami pa ring mga Filipino ang nagtitiwala sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19.     Ito ang lumabas na restulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS).     Base sa survey na mayroong 51 percent ng mga Filipino adults ang nagtitiwala sa programa ng gobyerno na kinabibilangang ng 18 percent […]

  • Pagkuha o pagbili ng Covid-19 vaccine ng Pilipinas mas mapapabilis

    MAS  mgiging madali na para sa bansa ang pumili at bumili ng Covid-19 vaccine.   Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraan niyang italaga si Finance Sec. Carlos Dominguez na maging katuwang ni Sec. Carlito Galvez sa pangangasiwa ng bibilhing bakuna sa ibang bansa.   Ang paliwanag ng Chief Executive, mahalaga rin ang […]

  • Sunod-sunod ang pagkilala bilang aktor: Award na binigay ng Malacañang kay JOAQUIN, ni-recognize din ng Manila

    NAKIKITA namin kay Joaquin Domagoso na tila surreal sa kanya ang lahat ng mga nangyayari sa kanya, lalo na ang sunod-sunod na pagtanggap ng mga awards.   After sa Malacañang, binigyan naman siya sa Manila.   “Binigyan po ako ni Sir Yul (Servo) ni-recognize niya po ‘yung award na binigay rin sa akin na award […]