• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Graduation, recognition rites, hindi dapat gamitin bilang political forum

ANG PAGSASAGAWA ng End-of-School-Year (EOSY) rites ay dapat na maging malaya mula sa anumang electioneering at partisan political activity.

 

 

Sa virtual press briefing, inulit ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary for Curriculum and Instruction Alma Torio ang mahigpit na pagsunod sa DepEd Order No 48 s. of 2018 o “Prohibition of Electioneering and Partisan Political Activity.”

 

 

Ang paliwanag ni Torio, ang EOSY rites ay isinasagawa ng “solemn and dignified manner” — ang nasabing okasyon ay hindi dapat ginagamit bilang “political forum.”

 

 

At upang masiguro na ang EOSY rites ay malaya mula sa politika, ang mga eskuwelahan ay inatasan na tiyakin na ang kanilang magiging guest speakers ay naka-pokus lamang ang mensahe sa tema ng EOSY rites kung saan ito’y “K to 12 Graduates: Pursuing Dreams and Fostering Resilience in the Face of Adversity.”

 

 

Kailangan din na sabihan ng mga eskuwelahan ang kanilang mga guest speakers para sa EOSY rites “not to campaign for anyone or any political party.”

 

 

“Schools shall ensure that no election-related paraphernalia, such as streamers, posters, stickers, or other election-related items are distributed or displayed within the school premises or online,” paalala ni Torio.

 

 

Samantala, sinabi ni Torio na ang recognition rites para sa ibang grade levels ay maaaring isagawa virtually para sa limited face-to-face setup.

 

 

Gayunman, ang paliwanag ni Torio kung gagawin sa limited face-to-face setup, kailangan na gawin ito ng hiwalay mula graduation rites o moving up/completion ceremony upang masiguro ang physical distancing at pagsunod sa Inter-Agency Task Force (IATF) health protocols.

 

 

Idagdag pa, ang paalala ni Torio sa mga pampublikong eskuwelahan na ang anumang kaugnay na aktibidad ay dapat na sagutin ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng eskuwelahan.

 

 

Kaugnay nito, sinabi ni Torio na “no DepEd official or personnel shall be allowed to collect any kind of contribution or graduation fee, moving up/completion ceremony or recognition rites.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • COVID-19 cases sa Pilipinas halos 641K na: DOH

    Patuloy na nakakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).     Ngayong araw ng Huwebes, March 18, pumalo na sa 640,984 ang total cases matapos mag-ulat ang ahensya ng 5,290 na bagong kaso ng sakit.     Ito na ang ika-14 na araw na […]

  • PBBM: Pinas nahaharap sa ‘water crisis’

    INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nahaharap ngayon ang Pilipinas sa krisis sa tubig kaya nilagdaan niya ang Executive Order (EO) na lilikha sa Office of the Water Management.     Sa talumpati ng Pangulo sa 6th Edition Water Phi­lippine Conference and Exposition sa SMX Convention Center sa Pasay City, sinabi nito na seryoso […]

  • 57 kindness station, binuksan ng Diocese of Novaliches

    Umaabot na sa 57 sa mga parokya sa Diocese ng Novaliches ang nagbukas ng mga Kindness station o community pantries.      Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, ang bilang ay 70 porsiyento ng kabuuang parokya sa diyosesis.     “Ito ang milagro ng community pantry sa daming gustong tumulong at nirerecognize kasi nila na […]