• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Granular lockdown sa NCR mahigpit na ipatutupad ng PNP

Todo bantay at mahigpit na tutulong ang Philippine National Police (PNP) sakaling magpatupad ng mga  ‘granular lockdowns’ ang mga local  government unit (LGU) sa buong Metro Manila matapos na isailalim na ito sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ),ayon kay  PNP Chief P/Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.

 

 

Una rito, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos na ang mga lugar sa National Capital Region (NCR) na may mataas na kaso ng COVID-19 ay isasailalim sa granular lockdowns. Gayundin sa mga lugar na may namonitor na Delta at Lambda va­riants ng COVID.

 

 

Ang NCR ay isinailalim na sa MECQ  hanggang sa katapusan ng Agosto ng taong ito.

 

 

“We should not let our guard down as the threat of COVID-19, especially its more infectious variants, is still here. Tatalima tayo sa kautusan sa PNP na maigting na pagpapatupad ng granular lockdowns sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19,” pahayag ni Eleazar.

 

 

“I have tasked police chiefs to prepare their men for this,” giit pa ni Eleazar na sinabing ang lahat ng mga PNP personnels ay magpapatuloy sa pagpapatupad ng minimum public health safety standards at quarantine protocols.

 

 

Sa ilalim ng MECQ, ang dine-in services ay ipinagbabawal habang ang mga care services tulad ng mga beauty salons, beauty parlors, barber shops at nail SPAs ay hindi pinahihintulutan.

 

 

Samantala, nanawagan naman si Eleazar ng kooperasyon ng publiko at hinikayat ang mga ito na huwag maging pasaway sa panahon ng pandemya. (Daris Jose)

Other News
  • 3 isinelda sa cara y cruz at boga sa Navotas

    HIMAS-REHAS ang tatlong lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis na naglalaro ng illegal na sugal na “cara y cruz” at makuhanan pa ng baril ang isa sa kanila sa Navotas City.     Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang mga naarestong suspek na sina Mark Anthony Ellaso, 36, warehouseman ng Brgy. 28, […]

  • POC sinuspendi ang PATAFA dahil ginawang panggigipit kay EJ Obiena

    Sinuspendi ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) dahil sa ginawang panggigipit kay Pinoy pole vaulter EJ Obiena.       Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na nabigo ang PATAFA na gampanan ang kanilang trabaho bilang National Sports Association (NSA).       Nakasaad aniya sa konstitusyon […]

  • Aminadong ‘di madali ang mag-pursue ng career sa Hollywood: Fil-Canadian na si ALEX, masuwerteng nakatrabaho si RYAN REYNOLDS

    MASUWERTE ang Filipino-Canadian actor na si Alex Mallari Jr. dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ang aktor na si Ryan Reynolds sa Netflix sci-fi adventure film na The Adam Project.     Ginagampanan ni Mallari ang role ng kontrabidang si Christos at pinakita sa isang fight scene with Reynolds ang paggamit ng arnis sticks […]