• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grateful na kasama ang ibang Pinoy sa Asian-American project: KC, kinumpirma na bibida sa ‘Asian Persuasion’ bilang kapalit ni TONI

SA IG post ni KC Concepcion nakumpirma na ka-join na siya sa cast ng upcoming American movie na Asian Persuasion na directorial debut ni three-time Tony Awards and Grammy Awards winner Jhette Tolentino.

 

 

Ipinost ng primera prinsesa ni Megastar Sharon Cuneta ang screengrab ng article sa Variety Magazine na kung saan kasama niya ang iba pang Filipino co-actors na sina Dante Basco, Paolo Montalban at Jax Bacani.

 

 

Kasama rin sa movie sina Apl.de.Ap, Yam Concepcion, Fe delos Reyes, Tony Labrusca at Rex Navarrete.

 

 

Caption ni KC sa kanyang IG post, “Onto day 3 of filming @asianpersuasionfilm! Thank you for joining us on this new journey.

 

 

“Grateful to be part of this Asian-American project, with our amazing cast & crew.”

 

 

Ayon sa report ng Variety, pinalitan ni KC ang TV host-singer at aktres na si Toni Gonzaga bilang lead star ng Asian Persuason.

 

 

Ang romantic comedy na kinukunan sa New York, “‘Asian Persuasion’ features a diverse, primarily Asian cast and seeks to elevate, inform and inspire the Asian narrative,” base sa article.

 

 

Tungkol ito sa buhay ni Mickey na isang chef na sinusubukan na I-overcome ang isang trahedya habang ini-establish ang Michelin-rated Filipino restaurant.

 

 

Last April7, may bonggang birthday post nga si KC tungkol sa gagawin niyang international movie.

 

 

Say nga ng anak ni Gabby Concepcion, “being back on set for my birthday, doing what I’ve always loved, is a celebration in itself… Please, do what makes you happy – what makes you feel alive!!!

 

 

“Coming back to acting + living in New York for work is another dream come true. Keep dreaming new dreams loves.

 

 

“Love ko kayo!”

 

 

***

 

 

SAMPUNG kabataang filmmakers ang napili bilang lumahok sa ikalimang edisyon ng Sine Kabataan Short Film Lab and Festival.

 

 

Bawat isa ay makatatanggap ng PHP 100,000 bilang pondo sa produksyon ng kanilang mga short films.

 

 

Ang Sine Kabataan ay isang kompetisyon para sa mga kabataang filmmaker handog ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na nagbibigay ng pagkakataon sa mga nagsisimulang filmmakers na ipakita ang kanilang mga talento at gayundin ay linangin pa ang kanilang pagkamalikhain at orihinalidad sa pagkukuwento habang binibigyang pansin ang mga isyu na nararanasan ng mga kabataan sa kasalukuyan.

 

 

Ang 20 shortlisted na mga story concepts ay dumaan sa intensibong online Story Development Lab. Binigyan din ang filmmakers ng training kung paano buuin ang messaging at branding ng kanilang mga proyekto sa Pitching Lab.

 

 

Pagkatapos ng Sine Kabataan Pitching Showcase noong Marso 27, ang Selection Committee na binubuo nina Director JP Habac, Producer Armi Cacanindin, at FDCP Executive Director Ria Anne Rubia ay pumili ng 10 finalists mula sa 20 na proyekto.

 

 

Ang mga finalist ay sumailalim sa Safe Filming Lab kasama ang mga finalist ng CineIskool, isa pang proyekto ng FDCP para sa mga kabataang filmmaker, noong Abril 2. Ang sampung Sine Kabataan finalists ay sasailalim din sa Editing Lab bago ang kanilang final showcase sa 2022 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), ang banner project ng FDCP.

 

 

“In order for our young and aspiring filmmakers to flourish in this industry, we need to equip them with the necessary tools and skills to further develop their craft and provide the platform where they can share their projects. This is what Sine Kabataan is keen on providing through its platform and intensive film labs. This year, we are proud that the selected finalists chose to tackle relevant issues to the youth using their fresh perspectives.

 

 

“Congratulations to our young filmmakers, we hope that this experience will jumpstart their filmmaking journeys,” sabi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

 

 

Ang sampung napiling proyekto mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay tumatalakay sa mga temang coming-of-age, usaping panlipunan, digital technology, at isyung pangkalikasan. Kabilang sa lineup ngayong taon ang mga entries na may animation, mixed media, at mixed live na format.

 

 

Ang ten official finalists ay ang Ami ug Migo (Ami and Migo) ni Karina Jabido, Anak ng Santol ni Karen Israel, Back Home ni Anna Katrina G. Velario, Boy Kilat ni Faith Anne Aragon, Friends and Rainy Days ni Raiza Masculino, HM HM MHM nina Kim Rivera Timan at Samantha Pauline Villa-Real, Kalumbata (Philippine Eagle) ni Ryan C. Cuatrona, No More Crying 毋通閣吼咯  ni John Peter C. Chua, Tong Adlaw Nga Nag-Snow Sa Pinas (The Day It Snowed in the Philippines) ni Joshua Caesar Medroso, at Unsolved Equation ni Dexter Paul De Jesus.

 

 

Ang ikalimang edisyon ng Sine Kabataan film labs at festival ay idaraos nang hybrid format. Idinaos online ang nakaraang dalawang edisyon nito at ipinalabas nang libre sa FDCP Channel ang festival. Nagsimula ang Sine Kabataan bilang isang film competition lamang para sa mga kabataang filmmakers.

 

 

Pangalawang pagkakataon na ito na ang Sine Kabataan ay may kasamang intensibong lab sessions para sa mga kalahok nito.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Hindi pa bakunadong mga guro, pwede na rin magturo sa darating na pasukan – DepEd

    PAHIHINTULUTAN na ng Department of Education (DepEd) na muling makapagturo sa darating na pasukan ang mga hindi pa bakunadong mga guro sa bansa.   Ayon kay DepEd Usec. Revsee Escobedo sa isang pahayag na papayagan na ng kagawaran na magturo ang lahat ng guro sa bansa bakunado man o hindi.   Basta’t pananatilihin lamang ng […]

  • Holyfield bagsak sa kamay ni Belfort

    Pinabagsask ni dating mixed martial arts fighter Vitor Belfort si dating boxing champion Evander Holyfield.     Sinamantala ng 44-anyos na Brazilian MMA fighter ang pagiging kahinaan ng 58-anyos na si Holyfield.     Hindi naman kuntento si Holyfield sa naging resulta ng laban.     Magugunitang si Oscar Dela Hoya sana ang makakaharap sana […]

  • DAGDAG na naman na BABAYARAN sa DRIVER’s STUDENT PERMIT

    Mula sa Agosto 3 ay mandatory na sa mga kumukuha ng student permit para sa driving na mag undergo ng “at least 15 hours” na theoretical course mula sa mga LTO accredited driving schools o sa Drivers Education Centers ng LTO.   Ang paniwala ng LTO ay sa ganitong paraan “mas magiging disiplinado at courteous” […]