• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GRETCHEN, ipinagtanggol si ATONG sa kumalat na fake ‘quote card’; JANNO, DENNIS at ANDREW, may bago na namang pasabog

IPINAGTANGGOL ng kilalang socialite-actress na si Gretchen Barretto sa kumalat na fake news tungkol sa businessman at close friend na si Charlie ‘Atong’ Ang.

 

 

Ipinagdiinan ni Gretchen na hindi totoo ang kumakalat na quote card ni Atong Ang na parang kinakalaban ang presidential aspirant na si ex-senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na mas kilalang BBM.

 

 

Mababasa sa kumalat na quote card na sinabi raw ni Atong na “Mas may tsansa ka pang manalo sa online sabong kaysa itaya mo kinabukasan mo kay Bongbong Marcos. Pinaglololoko lang kayo ng BBM na ‘yan.”

 

 

Kaya nilagyan ito ng malaking label na ‘FAKE NEWS’.

 

 

Say pa ni La Greta, na puring-puri ngayon sa showbiz industry dahil sa kanyang bonggang ‘love box’ ayuda, never daw nakikialam sa politics ang kilalang negosyante.

 

 

Maglalabas din daw ng official statement si Atong para sa naturang fake news.

 

 

Caption pa ni Gretchen sa kanyang IG post, “FAKE NEWS! HINDI NAKIKIALAM SA POLITICS SI MR. CHARLIE ATONG ANG. ITO AY GAWAIN NG AMING KALABAN SA NEGOSYO.

 

 

“To my friends kindly REPOST THIS @pitmastercare. Mr. Ang will make a live statement tomorrow.”

 

 

Sina Gretchen at Atong ay malapit na magkaibigan na ilang beses na ring inintriga dahil daw sa lihim nilang relasyon.

 

 

Pero ilang ulit na rin nila itong itinanggi at hanggang ngayon ay matibay pa rin ang kanilang pagkakaibigan at ‘di naapektuhan kahit ano pang isyu ang ibato sa kanila.

 

 

***

 

 

NGAYONG December 31, may bagong pasabog na handog ang Vivamax, ang sequel sa hit na comedy movie na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, sa panulat at direksyon pa rin ng nag-iisang Al Tantay.

 

 

Pinagbibidahan ito ng mga lodi ng Pinoy Comedy na sina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E. At dahil sa patok na theme song nito na ‘Aussie! Aussie! O sige!’ ni Andrew E., na ngayon ay hit Tiktok trend na, siguradong mapapasige ka nang sige bago matapos ang 2021 sa Vivamax.

 

 

Sa Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige!, susundan natin ang mga kwelang adventures nina Johnny (Janno), Dondon (Dennis) at Andy (Andrew) bilang mga managers sa bagong bukas na resort ng kanilang long-time friend na si Rico (Julianna Parizcova Segovia).

 

 

Ngayong namamasukan na sila sa Bonggacious Resort, masosorpresa ang tatlo sa pagdating ng kanilang mga dating katrabaho (Rose Van Ginkel, Stephanie Raz, Ali Forbes, Angela Morena) bilang mga una nilang kliyente. Ayos na sana ang lahat kasama ang mga nagseseksihan nilang mga bisita.    Kaso si Sir Gustavo (Pepe Herrera), ang pilyong boss, ay present din. Kakailangan muna nilang harapin siya bago sila maka-score sa mga ladies.

 

 

Saksihan ang ating mga bidang lalaki sa kanilang panggo-good time kasama ang kanilang special resort guests dito sa Vivamax Orignal movie na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige! sa Vivamax simula December 31, 2021.

 

 

Para sa local subscriptions, pwedeng i-download ang app at mag-subscribe via Google Play Store, Huawei App Gallery, at App Store. Manood nang tuluy-tuloy sa Vivamax sa halagang P149/month at sa halagang P399 naman para sa tatlong buwang mas makakatipid. Ngayon, may mas sulit pang option, sa halagang P29 lang pwede nang makanood nang tuluy-tuloy sa tatlong araw!

 

 

Available din ang Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, Canada at USA. Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PBBM, tinurn over ang Balanga housing units sa 216 relocated families

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-turn over ng housing units sa 216 informal settler families sa Balanga, Bataan na naapektuhan ng cleanup at relocation operations sa hazard-prone areas. Ang relocated settlers ay nakatira noon sa kahabaan ng Talisay River. Ang Balanga City Low-Rise Housing Project ng National Housing Authority (NHA), matatagpuan sa […]

  • 519.93 metric tons ng mga coins pinaretiro na ng Bangko Sentral ng Pilipinas

    INIULAT ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) tuluyan na nilang pinaretiro ang nasa 519.93 metric tons ng mga coins.     Ibig sabihin nito ‘yong mga pera o coin na hindi na magagamit dahil sa demonetized, o kaya may sira-sira na.     Tinatawag naman itong defacement process na sinimulan noong October 2021 hanggang […]

  • JANINE, umaming may experience na sa ‘online landian’; Direk JP, may paliwanag sa ending ng ‘Dito at Doon’

    NGAYONG na-extend na naman ECQ (enhanced community quarantine) marami na naman ang hindi makalabas ng bahay kaya isa sa paboritong gawing pampalipas ng oras at bugnot ay ang manood ng series o movies sa iba’t-ibang online platform.     At isa nga sa ire-recomend namin ay ang Dito at Doon ng TBA Studios na kasalukuyang […]