• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Groundbreaking ng Proyektong Kakaiba sa Valenzuela, pinangunahan ni WES

ISINAGAWA ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ang groundbreak ng ilang Proyektong Kakaiba, katulad ng New Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH) – Multi-level Parking Building, New Annex Building, Rehabilitation ng Main Building na matatagpuan sa Brgy. Dalandanan, at ang New and Improved Valenzuela City Central Kitchen (NIVCCK) sa Brgy. Malinta, sa hangarin na lumikha ng mas maraming buhay para sa Pamilyang Valenzuelano.

 

 

Noong Disyembre ng 2012, binuksan ang Valenzuela City Emergency Hospital na matatagpuan sa G. Lazaro Street, Barangay Dalandanan na nagsilbi sa mamamayan ng Valenzuela sa nakalipas na 11 taon.

 

 

Sa patuloy na lumalagong pangangailangan para sa mga pasilidad na pangkalusugan sa lungsod, sinimulan ng pamahalaang lungsod ang rehabilitasyon ng pangunahing gusali ng VCEH, na may badyet na higit sa PhP 70,000,000, ang proyekto ay naglalayong mapabuti at lumikha ng mas state-of-the-art facilities para sa ospital tulad ng emergency complex nito, mga laboratoryo, delivery complex, isolation ward at iba pa.

 

 

Isang bagong 3-story annex building para sa emergency ospital ang nakatakda ring itayo sa parehong complex sa loob ng paligid ng emergency ospital at magkakaroon ito ng mga bagong pasilidad tulad ng medical records room, cashier’s room, breastfeeding room, Malasakit Center, PhilHealth Office, medical social service office na karamihan ay tutugon sa out-patient department ng ospital at 37-slot multi-level parking building.

 

 

Samantala, ang lumang Valenzuela City Central Kitchen sa Sitio Balubaran, Malinta na binuksan sa pamamagitan ng inisyatiba ng dating alkalde at ngayon ay si Senador WIN Gatchalian noong October 2012 ay nakapagsilbi ng higit sa 70,000 benepisyaryo ng In-School Feeding Program ng pamahalaang lungsod.

 

 

Sa muling paglulunsad ng In-City Feeding Program mula ng matigil dahil sa pandemya, isang bago at pinahusay na Central Kitchen na may 2-story building ang nakatakdang maglingkod sa mas maraming benepisyaryo sa hinaharap.

 

 

Magkakaroon ito ng mga bago at pinahusay na pasilidad tulad ng cold storage, dry storage, general supplies storage, loading bay, 6-slot parking area, generator room , pump room, LPG room, temporary waste holding area, food preparation room, main kitchen, packaging room, staging area at iba pa.

 

 

“Kung nagtatanong kayo kung bakit importante ang pagpapatayo natin nito, there are 70,000 reasons why, dahil simula po nung nagbukas ang ating central kitchen noong 2012, more than 70,000 na po ang ating napakain, kaya ang araw pong ito ay inaalay natin sa more than 1,000 kitchen volunteers natin dito, dahil kung wala po kayo ay wala pong maghahanda ng mga pagkain na ipinapakain natin sa ating mga beneficiaries, kayo po ang inspirasyon namin. Nagpapasalamat po tayo sa Ateneo Center for Educational Development, dahil sila po ang naging katuwang natin para maging kilala at matagumapy ang programa nating ito. Dahil po sa programang ito ay maraming lugar na po ang gumaya sa atin. Naniniwala po ako na ito ay napakahalaga para sa bawat Pamilyang Valenzuelano.” pahayag ni Mayor Wes. (Richard Mesa)

Other News
  • IBP sa IATF: Mga abogado isama rin sa priority groups sa vaccine

    Humihirit din ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na isama na rin na mauuna sa pagbabakuna ang mga abogado sa sa bansa.     Sa sulat ni Atty Domingo Cayosa kay vaccine czar Carlito Galvez, ipinaliwanag nito kung bakit matatawag din na legal frontliners ang mga abogado.     Aniya, ang mga officers of […]

  • Single rin ang gusto niyang makarelasyon: CIARA, nagulat na lang na nali-link pala kay JAMES

    PARANG si Buboy Villar ang isa sa pinaka-guwapong leading man ng taong ito, huh!     Sa GMA-7 na lang ay ilang Kapuso actresses na ang patok din ang tandem sa kanya.     At sa kanyang bagong movie, ang ‘Ang Kwento ni Makoy’ direksyon ni HJCP at produksyon ng Masaya Studio Inc., kung hindi […]

  • Online Scam, nangunguna sa mga naitala ng PNP na cybercrime cases sa kabuuan ng 2023

    NANGUNGUNA ang Online Scams sa top 10 cybercrime cases na naitatala ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).     Ito ay batay sa datus ng naturang police unit mula Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon.     Ayon kay PNP-ACG Director PBGen Sydney Sultan Hernia, patuloy ang pagtaas ng kaso na kanilang naitatala ukol sa ibat […]