• April 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grupo ng community bakers, humirit sa govt’ na dagdagan ng P4 hanggang P8 ang presyo ng pandesal

SA PAGTATAYA ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino, sa ngayon kasi ay nasa 20% hanggang 25% ang bilang ng mga panaderyang napipilitang magsara nang dahil sa pagkalugi at mataas na presyo ng bilihin

 

 

Paglilinaw ni Dir. Jam Mauleon mula sa naturang asosasyon, sapat ang supply ng harina at iba pang sangkap ng tinapay sa bansa ngunit nang dahil sa matumal na palitan ng piso kontra dulyar ay apektado rin aniya ang kanilang operational cost dahilan kung bakit nahihirapang makaraos ngayon ang mga panaderya kahit na marami ang supply ng kanilang raw materials.

 

 

Habang idinagdag naman ni Dir. Princess Lunar, isa rin sa kanilang mga suliranin ay ang bilang ng mga panadero sa bansa.

 

 

Dahil kasi aniya sa mababang bentahan ng tinapay at mataas na presyo ng mga ingredients ay nahihirapan ang mga may-ari ng bakery na magpasweldo sa kanilang mga tauhan na minsan ay umaabot pa sa puntong kinakailangan nilang magbawas ng tao para lamang makatipid.

 

 

Samantala, kaugnay nito ay nanawagan din ang grupo sa Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan silang magpaliwanag sa mga mamimili kung bakit kinakailangang dagdagan ang presyo ng pandesal habang pang-unawa naman ang hiling nila ating mga kababayan. (Ara Romero)

Other News
  • Finance Chief Recto kumpiyansang makamit ng PH ‘A’ credit rating sa 2028

    KUMPIYANSA si Finance Secretary Ralph Recto na makakamit ng Pilipinas ang “A” credit rating sa taong 2028.     Ito ay dahil sa patuloy na namantine ng Pilipinas ang malakas na investment outlook sa kabila ng pabago-bagong global economic environment.     Binigyang-diin ng finance chief na conscious ang gobyerno sa mga programa nito at […]

  • Nuggets star Nikola Jokic nagtala ng record sa NBA

    NAGTALA ng record sa NBA si two-time most valuable player Nikola Jokic.     Sa panalo kasi ng Denver Nuggets laban sa Brooklyn Nets sa overtime game 144-139 ay nagtala si Jokic ng 29 points, 18 rebounds at 16 assists.     Siya lamang ang pangalawang manlalaro na nagtala ng nasabing statistics matapos ang 62 […]

  • BEHOLD THE FIRST TRAILER OF BAZ LUHRMANN’S “ELVIS”

    WARNER Bros. Pictures has just unveiled the first trailer of “Elvis,” the new movie event from visionary filmmaker Baz Luhrmann.  Check out the trailer below and watch the film only in Philippine cinemas June 22.     YouTube: https://youtu.be/KAKR3Xej0Nk   Facebook: https://fb.watch/beej31ajLZ/   About “Elvis”   From Oscar-nominated visionary filmmaker Baz Luhrmann comes Warner Bros. Pictures’ drama “Elvis,” […]