GSIS, hinikayat ang mga pensioner na gawing online ang transaksyon sa ahensya
- Published on November 26, 2021
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Government Service Insurance System (GSIS) sa mga pensiyonado ngayong panahong ng pandemya.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni GSIS VisMin Operations Group Vice President Vilma Fuentes, na layon ng kanilang panawagan na himukin ang lahat ng mga pensyonado na gawing online ang kanilang mga transaksiyon, gaya ng Annual Pensioners Information Revalidation o APIR.
Kabilang na rin aniya dito ang application for commencement of pension o pagsisimula ng pensiyon.
Hinikayat din ni Fuentes ang lahat ng GSIS pensioners na gawin ng online ang kanilang transaksyon para sa pag-a-aplay ng mga available loans na inaalok ng ahensya para sa mga kwalipikadong pensyonado.
Aniya, hinihikayat nila ang mga GSIS pensioner na tugunan at bigyang halaga ang pakikipagtransakayon online upang maging ligtas sa banta ng kalusugan at para makaiwas sa mapanganib na COVID-19.
-
Return to Middle-earth with ‘The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim’
EXPERIENCE the thrill of Middle-earth like never before with The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim. Set 183 years before the original Lord of the Rings trilogy, this anime feature dives deep into the storied past of the Kingdom of Rohan, exploring the courage, sacrifice, and legacy of its most legendary king, […]
-
FDA, bukas sa medical use ng marijuana
BUKAS si Food and Drug Administration (FDA) director general Dr. Samuel Zacate sa paggamit ng marijuana para sa panggagamot subalit kailangan na hindi makasasama sa taong gagamitan nito. ”My take is medicine is an innovation, we cannot guarantee na ito lang po tayo at darating sa future eh wala na, hanggang dito na […]
-
Ads March 5, 2021