• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GSIS, mamumuhunan ng $300 milyong dolyar para sa global infrastructure projects

SINABI ng Presidential Communications Office na nakatakdang mag-invest ang Government Service Insurance System o GSIS ng  3 daang milyong dolyar para sa proyektong imprastraktura partikular na may kinalaman sa transport, energy at digitalization.

 

 

Kasunod  na rin ito ng tinintahang  kasunduan sa pagitan nina GSIS President, General Manager at Acting Board Chairman Wick Veloso at James Amine ng Global Infrastructure Partners Emerging Markets Fund.

 

 

Ang hakbang na partnership ay naglalayong maikalat ang assets at makakuha ng mataas na returns para na rin sa kapakinabangan ng may mahigit sa 2 milyong miyembro at pensioners  ng ahensiya.

 

 

Sa ulat, ang New York based Global Infrastructure Partners ang nagungunang independent infrastructure fund manager na may 87 billion dollar asset at namumuhunan sa power and utilities, natural resources infrastructure, air transport infrastructure, seaports, freight railroad, water distribution and treatment at waste management.

 

 

Kilala ang naturang firm sa pakikipag-partner sa public sector at stakeholders na  konektado sa pagpapaunlad ng imprastraktura. (Daris Jose)

Other News
  • Utos ni PBBM sa BOC, ipagpatuloy ang ‘warehouse raids’ para labanan ang hoarding, illegal rice imports

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy lamang ang raids o isang bigla at hindi inaasahang pagsalakay sa mga  warehouse o bodega para tugunan ang usapin ng hoarding at illegal rice importation.     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni  Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ang naging direktiba […]

  • Okay na after ma-diagnose na may ‘Ramsay Hunt Syndrome’: JUSTIN BIEBER, magbabalik na sa kanyang naudlot na ‘Justice Tour’

    NAGING dream pala noon ng aktres na si Ina Feleo ang mag-compete sa Olympics sa sport na figure ice skating.       Bago naging artista si Ina, nag-train siya bilang isang figure ice skater sa edad na 9.       “Nag-start ako nine years old, ‘yung pinsan ko galing Cebu may competition sila […]

  • WADE, PINILI ANG HEAT NA MANANALO KAYSA SA BEST FRIEND NA SI LEBRON SA LAKERS

    MAS pinili ni dating NBA star Dwayne Wade ang Miami Heat na manalo sa NBA finals laban sa Los Angeles Lakers.   Ito ay matapos na tanungin siya mismo ni NBA legend at Lakers star Earvin Magic Johnson.   Sinabi ni Wade na mas pipiliin niyang magwagi ang Heat na dati nitong koponan kaysa sa […]