GSW head coach Steve Kerr, hangad ang tagumpay ni Trump sa susunod na 4 na taon
- Published on November 9, 2024
- by @peoplesbalita
Bagama’t hindi pumabor sa inaasahan, nirerespeto umano ni Golden State Warriors head coach Steve Kerr ang resulta ng 2024 US Presidential Elections.
Maalalang isa si Steve Kerr sa mga masugid na sumuporta kay Democratic presidential candidate, VP Kamala Harris.
Ayon kay Kerr, naniniwala siya sa demokrasya. Dahil sa nagsalita na ang mga mamamayan ng US, wala umano siyang ibang hangad kundi ang magtagumpay si Trump sa susunod na apat na taon.
Giit ng batikang coach, nais niyang magtagumpay ang US kayat nais niyang maging matagumpay ang pamumuno ni Trump.
-
PBBM, itinalaga si Diokno bilang miyembro ng Monetary Board
MAGBABALIK si dating Finance Secretary Benjamin Diokno sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang miyembro ng Monetary Board. Pinalitan ni dating Deputy Speaker Ralph Recto si Diokno bilang Kalihim ng Department of Finance (DoF). Nauna rito, pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Diokno para sa “excellent performance” nito sa […]
-
Napaulat na hacking sa Comelec data, iimbestigahan ng DICT cyber security bureau
MAGSASAGAWA ng sariling imbestigasyon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) hinggil sa di umano’y hacking incident sa Commission on Elections’ (Comelec) data. Sa katunayan, ipinag-utos ni Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic sa Cybersecurity Bureau ng departamento na magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon ukol sa napaulat na hacking sa data ng komisyon. […]
-
DILG, LLP umapela sa Senado na ibalik ang tinapyas na P28.1-B BDP fund
KAPWA umapela sa Senado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at League of Provinces of the Philippines (LPP) na ibalik ang tinapyas na P28.1 bilyong pondo ng Barangay Development Program (BDP) para sa New People’s Army (NPA)-cleared barangays na ipinanukala ng National Task Force to End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa 2022 […]