Guidelines ng motorcycle taxis inaprubahan ng DOTr
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
Binigyan ng go-signal ang muling pagbabalik ng motorcycle taxis matapos na aprobahan ng Department of Transportation (DOTr) ang guidelines upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga pasahero at drivers nito laban sa COVID-19.
“We want to have motorcycle taxis back on the roads to help our fellowmen in their transportation needs. We also assure the public that the minimum standards and protocols will be enforced,” wika ni DOTr assistant secretary sa road at infrastructure Mark Steven Pastor.
Ayon naman kay National Action Plan against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon na ang operational guidelines ng motorcycle taxis ay inaprobahan noong nakaraang Linggo.
Kasama sa guidelines ay ang kailangan paglalagay ng barriers na tutugma sa specifications na inaprobahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Ang mga pasahero ay kailangan magdala ng kanilang sariling helmet na may specifications na aayon sa pinatutupad ng Land Transportation Office (LTO).
Maliban sa pagsusuot ng face masks at helmet, sinabi rin ni Dizon na kailangan na ang mga motorcycle riders ay sasailalim sa regular testing para sa COVID-19.
Ang mga motorcycle taxi operations tulad ng Angkas, JoyRide, at MoveIt ay kinailangan din na magkaron ng cashless transactions upang maiwasan ang pag-gamit ng pera.
Bago pa ang lockdown noong March, ang pag-aaral tungkol sa motorcycle taxis ay ginagawa na upang malaman kung dapat ito na maging isang public transport dahil sila ay hindi puwedeng mag operasyon sa ilalim ng Republic Act 4136 o ang tinatawag na Land Transportation and Traffic Code.
Sinabi naman ni Sen. Grace Poe na ang pagbabalik ng motorcycle taxi sa operasyon ay makakatulong upang madagdagan ang public transport at upang maibsan ang paghihirap ng mga commuters sa pagsakay lalo na ang mga mangagawa na nagsisikap na magkaron ng kita sa araw-araw kahit na may pandemic.
Nilinaw naman ni Poe na siyang chairman ng Senate committee on public services, na ang guidelines ay kinailangan malinaw at mahigpit na tutupad sa health at safety protocols upang masigurado na ang riders ay protektado sa buong trip.
“Regular disinfection, wearing of face mask and using own helmet are among the measures that would be complied with by the riders. Safety remains the primordial concern as motorcycle taxis return to the streets,” ayon kay Poe. (LASACMAR)
-
PDu30 at Sec. Locsin, walang namamagitang away
TINIYAK ng Malakanyang na magkasundo at walang away sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. dahil lamang sa magiging rekumendasyon ng huli na ikansela ang lahat ng kontrata ng mga Chinese firm na nasa likod ng militarisasyon sa South China Sea. Mariing itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque […]
-
Pagdeklara ng holiday sa lungsod ng Maynila, kinokonsidera sa araw ng inagurasyon ni BBM – PNP
KINOKONSIDERA ng Philippine National Police (PNP) na magdeklara ng holiday sa lungsod ng Maynila sa araw ng inagurasyon ni President-Elect Bongbong Marcos Jr. Subalit nilinaw ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa panayam ng Sonshine Radio na wala pa talagang klaro na desisyon hinggil dito. “Isa rin po […]
-
Nagko-consult na sa lawyer sa kanilang gagawin: DINGDONG at JESSA, nilinaw na walang tinatakbuhang utang
NAGLABAS na ng official statement sa kanilang Facebook at Instagram ang mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado bilang sagot sa kontrobersya na kanilang kinasangkutan. pinagpiyestahan ng netizens. Isang shoutout ang lumabas sa FB noong January 9, mula sa isang Fujiwara Masashi, na nag-viral dahil pinagpiyestahan ng netizens. Ayon sa […]