• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guidelines para sa online purchases ng senior citizens, PWDs tinintahan

TININTAHAN na ang guidelines o alituntunin para sa online purchases ng senior citizens at persons with disabilities.

 

 

“Under the new guidelines, senior citizens and persons with disabilities are entitled to avail the 20% discount on the purchase of goods that are vital for their sustenance and existence,” ayon sa kalatas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Kabilang sa mga items ay gatas, tubig, LPG, veterinary products, construction materials, batteries at electrical supplies.

 

 

Sinabi ng DSWD na “discount will be applied as long as the items do not exceed ₱1,300 per calendar week in online and offline transactions, adding that the unused amount cannot be carried over.”

 

 

“Likewise, the said amount must be spent for the personal and exclusive consumption of the senior citizen and the person with disability, and that the above mentioned amount must be spent on at least four kinds of items of basic goods and prime commodities.” dagdag na pahayag ng departamento.

 

 

Kailangang ipaalam ng mga mamimili sa merchant na sila ay senior citizen o PWD bago pa bumili upang makapag-avail ng discount, at dapat na magpakita ng pruweba ng ID at booklet.

 

 

Sa pagkakataon naman na ang purchaser ay kapuwa senior citizen at PWD, nakasaad sa guidelines na papayagan lamang ang mga ito na mag-avail ng “either of the two” at hihilingin sa kanila na magpakita ng ID para sa kumpirmasyon.

 

 

Samantala, nito lamang buwan ng Mayo, ang DSWD kasama ang Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, National Commission of Senior Citizens, Bureau of Internal Revenue, National Council for Disability Affairs, and Department of Health ay lumagda sa Joint Memorandum Circular na naglalayong magbigay ng discount para sa online purchases para sa mga lolo’t lola at PWD. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Firefly’, tinanghal na Best Picture ng ‘MMFF 2023’: VILMA at CEDRIC, parehong ‘di inaasahang mananalong Best Actress at Best Actor

    ANG pelikulang “Firefly” ng GMA Pictures at GMA Public Affairs ang tinanghal na Best Picture kasama ang dalawa pang tropeo sa ‘Gabi ng Parangal ng ‘Metro Manila Film Festival 2023, na ginanap noong December 27 sa New Frontier Theater.   Wagi rin ang scriptwriter na si Angeli Atienza para sa Best Screenplay at ang bida […]

  • Makakasuhan kahit magkaayos at magkabalikan… KIT, kaya pa ring patawarin ni ANA sa kabila nang matinding pananakit

    SA kabila nang matinding pasa, sakit at trauma dahil sa pambubugbog na diumano’y natamo ni Ana Jalandoni sa boyfriend na si Kit Thompson, nais pa rin daw niyang makausap ito at tahasan din sinabi na kaya pa rin niyang patawarin.     Tila nagulat nga ang ilan sa press na nasa presscon ni Ana sa naging sagot […]

  • DTI tutol sa pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa NCR

    Maging ang Department of Trade and Industry ay tutol na ilagay sa mas maluwag na “qua­rantine restriction” ang National Capital Region (NCR) at karatig na lalawigan sa Agosto kahit na nais nila na magtuluy-tuloy na ang pagsulong ng ekonomiya.     Ayon kay (DTI) Secretary Ramon Lopez,  sapat na muna ang umiiral na general community […]