• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guidelines sa paggamit ng Dengvaxia, kailangang isapubliko – Dr. Solante

SINABI ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na mahalagang magkaroon ng guidelines sa sandaling muling mapahintulutang magamit ang Dengvaxia vaccine.

 

 

Ito’y sa harap ito ng nakikitang pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa.

 

 

Aniya, sa pamamagitan  ng guidelines ay mailalahad sa publiko ang benepisyo at kahalagahan ng bakuna lalo na para sa populasyon na nasa kategoryang high risk na tamaan ng sakit at high -risk na madala sa pagamutan.

 

 

Bukod  dito, mailalahad din  ng guidelines ang kahalagahan sa pagsugpo ng Dengue virus infection.

 

 

Nauna rito, sinabi ng eksperto na panahon nang muling irekonsidera ng pamahalaan ang pagpapatuloy at paggamit ng dengvaxia lalo na’t ang ibang mga bansa naman gaya Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia ay gumagamit ng naturang bakuna na pangontra sa dengue. (Daris Jose)

Other News
  • Higit sa 200 million streams in a single day: TAYLOR SWIFT, gumawa ng history sa inilabas na double album

    THANKFUL si Sparkle Teenstar Sofia Pablo sa mga naki-celebrate sa kanyang 18th birthday last April 20 sa Raffles Hotel in Makati City. Masaya si Sofia dahil na-accomplish niya ang mapasaya niya lahat ng mga dumating sa kanyang tropical-themed debut party na may hashtag na #SofiasTropicalJourneyTo18. Nag-enjoy ang mga bisita sa kakaibang cotillion ni Sofia dahil […]

  • Mahigit 9K balota para sa local absentee voting, naisumite na sa Comelec

    AABOT  na sa mahigit 9,105 nakumpletong balota para sa local absentee voting ang natanggap ng Commission on elections (Comelec).     Ang partial reports sa bilang ng accomplished ballots para sa local absentee voting na natanggap ng Reception and Custody Units ay mula sa Philippine Army (926), Philippine Air Force (1,731, Philippine National Police (3,929) […]

  • Pahayag ng PDEA na wala sa drug watch list nito si PBBM, kinontra ni Duterte

    KINONTRA ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte ang naging pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na wala at hindi kailanman nakasama ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa drug watch list nito.     Ang pangako ni Duterte, ipalalabas niya ito sa publiko kapag nakuha na niya ang nasabing dokumento.     […]