• March 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guiness World Record para sa Longest Line of Bowls of Noodles, nasungkit ng Malabon

 

NASUNGKIT ng Lungsod ng Malabon ang Guiness World Record para sa may pinakamahabang linya ng mangkok ng noodles nang maitala ang 6,549 mangkok na naglalaman ng bantog na Pancit Malabon.

Mismong si Mayor Jeannie Sandoval ay nakibahagi sa preparasyon sa paglalagay ng Pancit Malabon sa mga mangkok na naglalaman ng minimum na 100 gramo ng luto ng noodles hanggang sa maayos na pagpupwesto ng mga ito sa mesa upang masigurong magtatagpo ang magkabilang dulo ng linya na sinimulan pasado alas-11 ng tanghali na ginanap sa Malabon Sports Complex, noong Marso 21, 2025.

Ang kaganapan ay nilahukan ng 12-bantog na mga panciteria sa lungsod na may kanya-kanyang paraan ng pagluluto ng Pancit Malabon na dinarayo ng kanilang mga parokyano.

Ayon kay Mayor Jeannie, nilagpasan nila ang hawak na rekord ng Jinshi Beef and Rice Noodles Association ng China na mayroon lamang 3,988 na linya ng mga mangkok ng noodles.

Sinabi pa niya na hindi lamang ang pagsungkit sa bagong rekord ang kanilang ipinagdiriwang kundi higit ang kanilang mayamang kultura, bantog na mga pagkain, at ang walang hangganang pagtutulungan at bayanihan na sumisimbulo at tumutukoy kung ano ang Malabon.

“Nais din po nating maitala ang Malabon sa mapa ng buong mundo bilang isang lungsod na mayaman sa sining ng pagluluto at nagawa po natin yan ngayong araw,” ani Mayora Sandoval.

Noon pa man ay bantog na, hindi lang sa mga karating lungsod at lalawigan ang Pancit Malabon kundi sa buong kapuluan, na dahilan ng pagdami ng mga panciteriang nagbebenta ng ganitong uri ng pagkaing na may mga sangkap na malalaki o maliliit na noodles, hinimay na tinapa, chicharon, red palm oil, kropek, paminta, fish sauce pusit, hipon, at kalamansi.

Pinangasiwaan ni Guiness adjudicator Sonia Ushirogochi ang naturang kaganapan na kanyang masusing sinuri ang mga pamamaraan at paghahanda bago kumpirmahin ang tamang bilang ng linya ng mga mangkok. (Richard Mesa)

Other News
  • Task Force na sisilip sa mga nangyayaring pangungurakot sa lahat ng government offices

    DAHIL na rin sa nakitang magandang resulta sa ginawang pagbuo ng Task Force PHILHEALTH ay nagpasiya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtatag ng Task Force na sisilip naman sa mga nagaganap na katiwalian sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.   Sa katunayan ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay kagyat na binigyan ng direktiba […]

  • Direk Mikhail, nagbabalik sa isa pang nakakatakot na obra: HEAVEN, umani ng papuri mula sa kritiko sa pagganap sa ‘Lilim’

    NAGBABALIK ang direktor ng top-grossing Filipino horror film na ‘Deleter’ na si Mikhail Red sa isa pang nakakatakot na obra maestra sa ‘Lilim.’ Pinagbibidahan ito ni Heaven Peralejo, na hinirang na National Winner for Best Actress sa 2023 Asian Academy Creative Awards. Ang ‘Lilim’ ay nakasama sa opisyal na seleksyon sa 54th International Film Festival […]

  • Delta variant ng COVID-19 magiging ‘dominant’ na sa loob ng ilang buwan – WHO

    Asahan na magiging dominant strain ng virus sa susunod na mga buwan ang Delta variant ng COVID-19.     Ito mismo ang naging pagtaya ng World Health Organization (WHO) matapos na maitala ang nasabing Delta variant sa 124 territories.     Dagdag pa ng WHO, maaaring mahigitan nito ang ibang variant na siyang kakalat sa […]