• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guinto napasakamay ng RoS; Onwubere, Doliguez NP na

PINAKAWALAN ng Rain or Shine ang dalawang malaki para sa isa lang.

 

 

Aprubado na kay Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Wilfrido Marcial ang pakikipagpalitan ng RoS sa NorthPort.

 

 

Ibinigay ng Elasto Painters sina Sidney Onwubere at Clint Doliguez sa Batang Pier para mabingwit si Bradwyin Guinto.

 

 

Sasama si Guinto sa dalawang pangunahing panggitna ng koponang pintura ni coach Carlos ‘Caloy’ Garcia na sina Beau Michael Vincent Belga at Norberto Brian ‘Norbert’ Torres.

 

 

Naisasalpak na si Onwubere sa rotation sa 45th PBA 2020 Philippine Cup sa Angeles, Pampanga bubble, kumakain na rin ng ilang minuto si Doliguez na incoming sophomore sa parating na ika-46 na edisyon ng propesyonal na liga sa Abril 9.

 

 

Dagdag pangrelyebo pa ni GP coach Alfredo Lorenzo ‘Pido’ Jarencio kina Christian Standhardinger at Kelly Nabong si Onwubere.(REC)

Other News
  • COVAX scheme humiling ng $5.2-B na pondo para mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga mahihirap na bansa

    HUMILING ang COVAX scheme ng karagdagang $5.2-B na pondo para mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga mahihirap na bansa.     Sinabi ni Gavi vaccine alliance chief Seth Berkley na ito ang kailangan nilang pondo para mabigyan ng bakuna ang mga mahihirap na bansa sa susunod na tatlong buwan.     Naabot kasi ng Covax […]

  • PhilHealth, naging maingat sa pag-proseso sa hospital claims

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte na naging maingat ang state medical insurer PhilHealth sa pag-proseso ng  hospital claims, na ayon sa  medical facilities ay maaaring pondohan ang  paggamot sa mga  COVID-19 sufferers.      Nauna nang sinabi ni Philippine Hospital Association na may utang ang PhilHealth sa private at public medical facilities ng P20 […]

  • Naghahanda na para sa ihu-host na variety/game show: RABIYA, inaming malaki ang paghanga sa kakayanan ni MICHELLE

    KAHIT na sunud-sunod ang hiwalayan sa showbiz, nananatili pa ring matibay ang relasyon ni Kiray Celis sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.   Noong maging public na ang relasyon ng dalawa, nakatanggap ng bashing at hate comments si Kiray dahil hindi naman daw tatagal ang relasyon nila ni Stephan. Ginagamit lang daw siya […]