Gulat na gulat si Karen sa kanyang interview: COLEEN, nai-insecure pa rin kahit isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz
- Published on July 21, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI nagdamot ng kanyang oras ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para magsilbing inspirasyon sa mga bagong Sparkle artists.
Kahit napaka-busy ng schedule ni Alden na tinatapos na ang bagong primetime series, ang “Start-Up” at naghahanda rin sa pag-alis niya for the U.S. concert tour of “ForwARd” ay naglaan pa rin ito ng oras para magbigay ng konting talks at makapag-motivate at inspire ng mga bago niyang kapatid sa Sparkle.
Paraan na rin ito ni Alden ng pagpe-pay it forward sa pagsi-share ng mga naging karanasan niya mula simula ng kanyang journey sa showbiz. Incidentally, may ilang mga Aldubnation fans pa rin pala na hanggang ngayon, ipinagdiriwang pa rin ang anniversary ng AlDub.
Road to 8 years na raw base sa mga tweet ng mga Aldubnation at may naghahanda pa rin sa big event daw sa October 22 and 24, huh! Anyway, malaking bahagi naman talaga ng tagumpay nina Alden at maging ni Maine Mendoza ang AlDub part ng career nila at kung ano sila ngayon.
Sigurado, sa ginawang pagharap at pagsi-share ni Alden ng mga personal niyang karanasan sa mga new Sparkle talents, halos lahat ng mga ito ay mas inspired at motivated.
***
INAMIN ni Coleen Garcia na nai-insecure rin daw siya. Sinabi niya ito sa naging interview sa kanya ni Karen Davila sa You tube channel nito.
Tinanong ni Karen si Coleen na kung ano ang hindi pa alam ng mga fan niya sa kanya. Nagulat si Karen na nai-insecure pa rin ang asawa ni Billy Crawford to think nga naman na isa yata siya may pinakamagandang mukha sa showbiz.
“Of course, I’m really vulnerable in real life. There are those days na hindi mo maiiwasan na I compare myself to other people also.”
May days daw talaga na nakakaramdam siya ng insecurity.
“Yeah and I think, it doesn’t matter on how you look or how you have. If you’re insecure, you’re insecure. It doesn’t matter how you look.”
Naniniwala rin daw si Coleen na may factor ang childhood ng isang tao. Kung insecure raw ito growing-up, nako-condition talaga.
Sa Diyos lang daw talaga siya kumakapit bilang panlaban niya kapag may mga ganitong moment siya.
Sey ni Coleen, “God talaga… at the end of the day, you know who you are. You know, God created you to be significant, you’re loved, you’re valued. It’s for everyone.”
Mukhang mas maraming makakakilala kay Coleen at gayundin kay Billy sa vlog na ito ni Karen. Kung paano sila bilang pamilya at the same time, gaano rin kasimple lang kumpara sa image na nabuo sa kanila ng publiko.
****
HINDI raw napigilan ng actress na si Dimples Romana ang maiyak, gayundin ang kanyang mister na si Boyet Ahmee.
Si Dimples ay nasa Goldcoast, Australia habang si Boyet ay naiwan sa Pilipinas at kasama ang dalawang boys nila, si Alonzo at ang newborn na si Elio.
Sinurpresa ni Dimples ang panganay nilang anak na si Callie Ahmee na nag-aaral ng aviation sa Australia. At nitong Martes nga lang, milestone para kay Callie at sa kanilang lahat ang kauna-unahan nitong pagpapalipad ng eroplano.
Na-witness ito ni Dimples at habang nagpapalipad si Callie, naka-chat namin siya. Sabi nga niya, “She’s up in the air as we spek. Nag-iiyakan kami ni Boyet hahaha.”
Sa IG stories naman ni Dimples, tinawag niyang “stage momma” ang sarili at proud na proud sa anak (sino nga bang magulang ang hindi mapa-proud?).”
Na-video ni Dimples ang unang paglipad ng anak at sey niya, “First flight. Living and slaying life as you should @callieahmee.”
(ROSE GARCIA)
-
Gobyerno, inilaan ang P9.2 billion para sa confi, intel funds sa 2024
TINATAYANG may P9.2 billion ang inilaan para sa confidential at intelligence funds para sa mga ahensiya ng gobyerno para sa fiscal year 2024. “For 2024, the confidential fund — this is across all agencies — is P4.3 billion, and the intel is P4.9 billion, and I think the amount is the same as […]
-
SC, natanggap na ang ika-2 petisyon sa hiling na TRO sa vote canvassing at proklamasyon kay Marcos
NATANGGAP na ng Korte Suprema ang ikalawang petisyon na humihiling para sa temporary restraining order (TRO) sa canvassing ng Kongreso sa mga boto at proklamasyon bilang pangulo kay Bongbong Marcos. Sa 75 pahinang petisyon ng grupo, hinihimok din ang SC na ideklara ang kandidato na may pinakamaraming votes na si VP Maria Leonor […]
-
Ukrainian paralympic athletes tuloy pa rin ang laban kahit may kaguluhan sa kanilang bansa
NAGING malaking hamon para sa atleta ng Ukraine na lumalahok ngayon sa Winter Paralympics. Ito kahit nagwagi sila ng siyam na medalya sa dalawang biathlon events. Isa rin sa mga manlalaro ang nalungkot matapos na malaman na ang kaniyang ama ay inaresto ng mga sundalo ng Russia. Hindi na […]