Gumabao, Bernardo hahataw para sa Creamline
- Published on July 5, 2022
- by @peoplesbalita
MULING maglalaro si veteran Michele Gumabao para sa Creamline bilang preparasyon sa Premier Volleyball League Invitational Conference na hahataw sa Sabado sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.
Bigo ang opposite hitter na si Gumabao sa nakaraang eleksyon kaya siya magbabalik sa Cool Smashers.
Huling nakita sa aksyon si Gumabao sa 2021 PVL Open Conference na idinaos sa Bacarra, Ilocos Norte kung saan sumegunda ang Creamline sa nagreynang Chery Tiggo.
Bukod kay Gumabao, hinugot din ng Cool Smashers si rookie Lorie Bernardo, isang middle blocker na naglaro para sa University of the Philippines sa nakalipas na UAAP season.
Unang makakatapat ng Creamline ang Open Conference third-placer na Cignal HD sa Hulyo 12.
Pinalakas nina Gumabao at Bernardo ang koponan ni coach Sherwin Meneses na nagkampeon sa nakaraang Open Conference noong Mayo.
Ipaparada ulit ng Cool Smashers sina reigning MVP Tots Carlos, team captain Alyssa Valdez, Jia Morado, Jema Galanza at Jeanette Panaga.
-
Ads July 22, 2024
-
DENR SECRETARY KAKASUHAN NG MGA MAGSASAKA!
MAHIGIT sa 30 taong napagkaitan ng mga lupa ang may 1,000 magsasaka sa Palawan dahil sa paghahari ng pamilya ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga ay maghahain na ng kaso sa Office of the Ombudsman ang mga bumubuo ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK). […]
-
‘New comer’ Charlie Dizon, gulat na best actress
Sanib-puwersa sa pagpapasalamat ang lahat ng cast ng coming-of-age movie na “Fan Girl” sa ginanap na virtual o online Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Linggo, December 27. Walo kasi mula sa siyam nilang nominasyon ang na-sweep ng nasabing pelikula kabilang ang five major categories na best screenplay, best picture, […]