• April 28, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gumaganap na malditang anak sa ‘Lola Magdalena’: HARLENE, kinabahan nang minura-mura at inapi-api si GLORIA

NAKIPAGSOSYO si Harlene Bautista with her Heaven’s Best Entertainment sa BenTria Productions ni Engineer Benjie Austria para sa pelikula nina Inigo Pascual at Allen Dizon, ang ‘Fatherland.’

 

 

 

Kaya tinanong namin si Harlene kung ano ang satisfaction niya from producing a film than being an actress.

 

 

 

“Ano kasi, ako siguro masasabi ko, ako yung type na gusto ko yung ideas, brainstorming, ganyan. Siguro kung aarte ako, baka entablado, kasi pag sa harap ng camera, kinakabahan talaga ako,” rebelasyon ni Harlene.

 

 

“Hindi sa hindi ako kinakabahan sa stage, pero iba yung kaba ko sa harap ng camera, hindi kasi ako telegenic, hindi ako photogenic,” sabay-tawa niya, “kaya siguro ganun.”

 

 

Pero nagpaka-artista si Harlene sa ‘Lola Magdalen; at bongga ang papel niya sa pelikula bilang malditang anak ni Gloira Diaz.

 

 

“Sobrang kabado ako lang, kasi yung…di ba, puro mura ako dun.”

 

 

Minura-mura at inapi-api ni Harlene si Gloria sa naturang pelikula ni Joel Lamangan.

 

 

Paano bang apihin ang isang Gloria Diaz?

 

 

“Ninang ko pa siya sa totoong buhay,” bulalas ni Harlene.

 

 

“Parang, ‘Oh my gosh, mumurahin ko yung ninang ko’.

 

 

“So, parang ang hirap talaga. Ang hirap ng ganung eksena, yung mura-mura na malulutong.”

 

 

Ninang niya sa binyag ang Miss Universe 1969.

 

 

Nag-usap ba sila bago ang take, na, ‘Ninang mumurahin kita, ha’?

 

 

“Oo, nung pagdating sa ano, habang mine-make-up, ‘Ninang, mumurahin kita’, ‘Oo nga eh’, sabi niya. Ha! Ha! Ha!

 

 

“Alam niyo naman yung pagsasalita niya, ang cute.”

 

 

Nasa ‘Lola Magdalena’ rin sina Liza Lorena, Sunshine Cruz, Pia Moran at Perla Bautista na ang script ay sinulat ni Dennis Evangelista.

 

 

Sa ‘Fatherland’ naman, na si direk Joel rin ang may hawak, bilang producer, may say ba si Harlene sa cast at sa story?

 

 

“Siyempre, nagsa-suggest ako, siyempre iisipin mo kung ano yung makakaganda sa project, di ba? So iyon.

 

 

“E ang maganda rin naman kila direk Joel, hindi naman sila yung, ano, very open naman sila, siyempre iyon yung gusto ko e, maganda yung relationship ng producer at director,” saad pa ni Harlene.

 

 

Nasa cast rin sina Cherrie Pie Picache, Ara Mina, Mercedes Cabral, Jeric Gonzales, Bo Bautista, Yasser Marta, Abed Green, Max Eigenmann, Ara Davao, Rico Barrera, Jim Pebanco at Angel Aquino, sa panulat ni Roy Iglesias.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ads June 7, 2021

  • Ipasa ang Anti-Endo Law

    KINALAMPAG ng Malakanyang ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na agad na ipasa ang batas na magtutuldok sa “endo” o end of contract ng mga manggagawa sa pribadong sektor.   Ito’y makaraang manawagan ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa gobyerno dahil sa kawalan pa rin ng batas laban sa contractualization na isa sa ipinangakong […]

  • 1,814 Bulakenyo, tumanggap ng pinansyal na tulong mula sa DOLE, DOT

    LUNGSOD NG MALOLOS– Umabot sa 1,814 Bulakenyong apektado ng pandemya ang pinagkalooban ng ayuda sa ilalim ng ‘financial assistance program’ ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE) na ginanap sa “COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) Awarding of Beneficiaries” sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kamakailan.     Tumanggap […]