• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Gumawa ng paraan para mabakunahan lahat’

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government unit (LGU) na maghanap ng mabisa at sistematikong paraan para matukoy kung sino sa kanilang mamamayan ang hindi pa naturukan ng COVID-19 vaccine.

 

 

Sa kanyang “talk to the nation” nitong Lunes ng gabi sinabi ng pangulo na dapat gawin lahat ng mga LGU ang kanilang makakaya para mabakunahan ang kanilang mamamayan.

 

 

Ipinagmalaki pa nito noong siya ang alkalde sa Davao ay may paraan itong ipinatupad upang sumunod ang mga tao sa kaniya.

 

 

Depende lamang aniya sa pakikitungo ng alkalde sa kaniyang mamamayan lalo na at may ibang mga ibang barangay officials ang hindi niya kaalyado.

 

 

Binalaan din ng pangulo ang mga hindi susunod sa mga protocols na itinakda ng LGU na mahaharap ang mga ito sa kaso. (Daris Jose)

Other News
  • PBA, players makikinabang sa free agency rule

    PAREHONG makikina­bang ang mga PBA teams at mga players sa ipinatutupad na kauna-unahang unrestricted free agency rule sa liga.     Sinabi kahapon ni top sports agent Marvin Espiritu na kailangan lang takpan ng PBA ang ilang butas na maaaring pagmulan ng kontrobersya sa nasabing bagong patakaran.     “I think it’s beneficial both ways […]

  • 6 ‘tulak’ kalaboso sa higit P.7 milyong shabu sa CAMANAVA

    HIMAS rehas ngayon ang anim na ‘tulak’ sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng mga pulis sa Caloocan, Valenzuela at Malabon City na nagresulta sa pagkakasabat sa shabu na nagkakahalaga ng higit P.7 milyon.     Sa report na tinanggap ni Northern Police District (NPD) chief PBGen. Rizalito Gapas, kinilala ang mga suspek na sina alias […]

  • Olympian pole vaulter EJ Obiena nagulat matapos pigilan ng US immigration

    NABIGLA umano at hindi makapaniwala ang world pole vaulter na si EJ Obiena matapos pigilan ng mga ahente ng US Department of Homeland Security sa loob ng mahigit 12 oras dahil sa hinalang pagtakas sa mga kasong felony sa Pilipinas sa pagdating nito sa Los Angeles mula sa bansang Italy noong July 7, 2022.   […]