• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gun ban violators, pumalo na sa higit 2.3-K – Comelec

PUMALO  na sa mahigit 2,300 ang bilang ng mga lumabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban.

 

 

Ayon sa Philippine National Police (PNP) kabuuang 2,313 na katao na ang lumabag sa nationwide election gun ban ng komisyon.

 

 

Nasa 2,249 ng mga violators ay sibilyan, 40 ang security guards, 14 ang police officers, at 10 military personnel.

 

 

Nakumpiska naman sa mga lumabag sa isinagawanf 2,209 police operations ang 1,785 firearms, 10,157 piraso ng bala at 826 deadly weapons.

 

 

Ayon sa PNP, karamihan sa mga violators ay mula pa rin sa National Capital Region na mayroong 854, Calabarzon, 250 at Central Visayas na may 241.

 

 

Sa ilalim nga ng Resolution No. 10728, ipinagbabawal ng Comelec ang pagbitbit ay pagbiyahe ng mga baril at deadly weapons sa labas ng kanilang bahay mula Enero 9 hanggang Hunyo 8.

 

 

Exempted sa gun ban ang mga law enforcers, pero dapat ay otorisado ng Comelec at dapat ay nakasuot ang mga ito ng agency-prescribed uniform habang nakaduty sa kasagsagan ng election period.

Other News
  • Bansang Vietnam, mahalagang partner ng Pilipinas pagdating sa rice imports at para masiguro ang food security – PBBM

    NANGAKO  ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa lider ng Vietnam na sinasabi niyang mahalang partner para masiguro ang food security sa bansa.     Ito ang naging pahayag ng Pangulong Marcos sa bilateral meeting kasama ang Vietnamese Prime Minister na si Pham Minh Chinh sa sidelines ng 40th at 41st […]

  • Grizzlies nasungkit ang panalo laban sa Mavericks

    Abot langit ang tuwa ng Memphis Grizzlies matapos nitong talunin ang katunggaling Dallas Mavericks sa score na 112-108 sa pagbubukas ng isang home-and-home series ng NBA.       Sa simula pa lamang ng laro ay nagpakitang gilas kaagad si Desmond Bane at  umiskor ito ng 25 points habang si David Roddy naman ay nakapag […]

  • Rebulto ni Wade ng Miami Heat umani ng mga reaksyon

    UMANI ng magkakahalong reaksyon mula sa basketball fans ang ginawang rebolto para kay NBA star Dwayne Wade.     Sa isang ginawang pagkilala sa Miami Heat star ay ipinakita dito ang kaniyang rebolto sa labas ng Kaseya Center.     Siya lamang ang unang manlalaro sa franchise ng Heat na nabigyan ng sariling rebolto.   […]