Guwardiya ng Immigration, P7.8M ang net worth!
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
PINASASAILALIM ng Senado sa lifestyle check ang isang security guard na diumano’y sangkot sa kontrobersiyal na “pastillas” scheme dahil sa pagkakaroon nito ng net worth na aabot sa P7.8 milyon.
Sa pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations ang gender quality, inusisa ni Senadora Risa Hontiveros si Fidel Mendoza, security guard ng Bureau of Immigration (BI), kung bakit P7.8 milyon ang net worth nito.
“Security guard pero P7.8 milyon ang net worth n’yo?” tanong ni Hontiveros kay Mendoza.
Si Mendoza ay isa sa mga kanang kamay diumano ni dating BI Deputy Commissioner Marck Red Marinas na nauna nang inakusahan ni Immigration Officer Allison “Alex” Chiong na nasa likod diumano ng “pastillas” money-making scheme.
Ayon kay Mendoza, salary grade 5 lang siya sa BI at may buwanang suweldo na P11,000 subalit umaabot umano sa P31,000 ang kabuuan niyang tinatanggap dahil may augmentation allowance na P20,000 kada buwan.
“Salary Grade 5 po Mam, P11,000 plus augmentation pay na P20,000, total na P31,000 a month,” sagot ni Mendoza sa tanong ni Hontiveros.
Dahil hindi kumbinsido sa paliwanag ni Mendoza, inirekomenda ni Hontiveros na isailalim ito sa lifestyle check.
Pinabulaanan pa ni Mendoza na naging chief of staff siya ni Marinas noong panahon na BI Deputy Commissioner pa ito subalit naging ‘trusted man’ umano siya nito.
“Hindi po (naging chief of staff). Staff niya po ako, lahat ng mino-monitor mga staff sa Port Operations Division, kasama po niya ako sa meetings,” lahad ni Mendoza.
“Hindi ko masabing kanang kamay. Malaki siguro ang tiwala niya sa akin, pag may mga ganoon po kasama niya ako palagi. Basta katiwala ganun po, trusted man,” sambit pa nito.
Unang ibinunyag ni Chiong na isa si Mendoza sa mga tao ni Marinas na nagpapatakbo diumano ng ‘pastillas’ scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang iba pa ay sina Erwin Ortañez, Glenford Comia, Bien Guevarra at Den Binsol.
Iginiit naman ni Mendoza na wala siyang alam tungkol sa sinasabing “pastillas” raket ng ilang tiwaling immigration officer ng BI.
-
Tuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Cardo Dalisay: CHARO, pasok na sa ‘FPJAP’ at kaabang-abang magiging karakter
SO, hindi pa rin matatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil may bagong papasok na kaabang-abang ang karakter na gagampanan ni Ms. Charo Santos-Concio. Sa teaser na inilabas ng Dreamscape Entertainment, ini-reveal ang pagpasok ng award-winning actress sa teleserye ni Coco Martin na nantunghayan na kagabi (June 17), na sinasabing, “Isang babae ang magsisilbing […]
-
Minimum wage pinarerebyu ng DOLE
INATASAN na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa bansa na bilisan ang pagsusuri sa umiiral na ‘minimum wage’ kada rehiyon upang matulungan ang mga manggagawa na makaagapay sa hirap dulot ng krisis sa langis. Sinabi ni Bello na ang napakalaking pagtaas sa presyo […]
-
Chinese National na may kasong trafficking, naharang
HINARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese national na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Beijing dahil sa trafficking at pagre-recruit ng mga babaeng Filipina para iligal na magtrabaho sa China. Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pasahero na si Tong Jialong, […]