Gyms at indoor non-contact sports, pinayagan na ng IATF
- Published on June 12, 2021
- by @peoplesbalita
GOOD news sa mga gym fanatics at mga mahilig sa indoor non-contact sports dahil pinayagan na ng Inter-Agency task Force (IATF) ang mga ito na mag-operate sa 30% venue capacity sa National Capital Region (NCR) Plus areas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpulong noong Huwebes, Hunyo 10 ang IATF, kung saan pinayagan na nga ang pagbubukas ng gyms at fitness studios at iba pang indoor non-contact sports venues na may Safety Seal Certifications katulad ng skating rinks, at racket sports courts sa NCR Plus areas at 30% venue capacity.
“Uulitin ko po huh? Hindi po ibig sabihin bukas na ang gyms kinakailangan na kumuha muna sila ng Safety Seal Certifications galing po iyan sa DTI at sa DoH bago sila makapagbukas,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Pinayagan na rin aniya na magbukas ang mga historical sites at museums sa NCR Plus areas sa 20% venue capacity.
Kailangan lamang sumunod sa health and safety protocols.
Kailangan din ang pagsang-ayon ng local government unit kung saan matatagpuan ang mga sites na ito.
Subalit, bawal pa rin aniya ang guided tours sa mga historical sites at museums. (Daris Jose)
-
Rookie NBA card ni Bryant naibenta sa halos $2-M
Naibenta sa halagang $1.79-M o mahaigit P86-M sa isang auction ang basketball card ni NBA star Kobe Bryant. Ang flawless Kobe Bryant rookie card ay ikinokonsidera bilang “one of the rarest in existence”. Ayon sa Goldin Auctions, nabili ito ng hindi na nagpakilalang buyer. Ang Topps trading card ay […]
-
Obiena may bagong event
HINDI na matutuloy ang World Athletics-sanctioned international pole vault event na itataguyod sana ni two-time Olympian Ernest John Obiena. Nakatakda sana ito sa Setyembre 20 sa Ayala Triangle sa Makati City. Sa halip, nais ni Obiena na gagapin na lamang ito sa susunod na taon. “I am truly sorry for this. […]
-
VICE, pinasasalamatan ni AWRA dahil sa pag-alalay noong naipit sa kontrobersya
ISANG panaginip kung ide-describe raw ng pinakabagong Kapuso star na si Pokwang ang tambak na blessings na kanyang natatanggap mula nang lumipat siya sa GMA Network. Pahayag ni Pokwang: “Answered prayer na may nakalinya po na drama rin, so grateful and thankful. Sobrang excited na ako gawin ang mga projects na naka-ready for […]