• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halaga ng pinsalang iniwan ng STS ‘Kristine’ sa mga paaralan sa PH, umabot na sa P3.3-B –DepEd

UMABOT na sa P3.3 billion imprastraktura ang halagang iniwang pinsala ni Severe Tropical Storm (STS) ‘Kristine’ sa kabuuang 38,333 na paaralan sa Pilipinas ang naapektuhan ayon sa Department of Education (DepEd).

 

Sa partial na datos ng DepEd aabot sa P2.7 billion ang pag-reconstruct ng mga naapektuhan na classroom at karagdagang P680 million para naman sa major repairs ng mga ito.

 

Ayon pa sa ahensya nasa 2,700 classrooms ang naapektuhan ng bagyong ‘Kristine’ habang 1,361 naman ang iba pang hinihinalang na damage dahil dito apektado ang nasa 19.4 million na mag-aaral at 786,726 na mga guro at non-teaching personnel.

 

1,047 paaralan pa kasi ang kasalukuyang ginagamit bilang evacuation center para sa mga nasalanta ng bagyong ‘Kristine’.

 

Isinailalim naman ang nasa 861 na paaralan bilang secondary hazards na naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Other News
  • Kahit pareho na silang nagdidirek sa serye: GINA, inaming takot na takot din kay Direk LAURICE

    THIS time ay artista muli si Gina Alajar at hindi direktor sa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ ng GMA.   At ang direktor niya sa naturang GMA series ang kapwa niya actress/director na si Laurice Guillen.   Mas kumportable ba o naalangan si Gina kapag ang direktor niya ay kapwa rin niya actress/director tulad ni Laurice? […]

  • 1 Corinthians 4:7

    What have you that you did not receive?

  • PAGGAMIT NG VCM, PINAG-AARALAN

    PINAG-AARALAN  ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaraos ng masusing pagtalakay sa paggamit ng mahigit 97,000 vote counting machines (VCMs) sa darating na halalan sa bansa.     Sinabi ni acting poll body chairperson Socorro Inting sa isang forum na mahigit 107,000 VCMs na ginamit noong Mayo 2022 election, mahigit 97,000 ang ginamit sa mga […]