• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Half mast ng PH flag, ipina-iral para sa day of mourning

KAPANSIN-pansin ngayong araw (Nov. 4, Lunes) sa mga isinagawang flag ceremony ang paglalagay sa kalagitnaan lamang ng Philippine flag.

 

 

Alinsunod ito sa Presidential Proclamation 728 na nagtatakda ng day of mourning o araw ng pagluluksa para sa pananalasa ng bagyong Kristine na kumitil sa mahigit 100 katao, lalo na sa Bicol at Calabarzon region.

 

Matatandaang binaha ang malaking bahagi ng Bicol at nagkaroon naman ng landslide sa Talisay, Batangas.

 

Ang mga tanggapan ng gobyerno at maging ang nasa pribadong hanay ay pawang nasa kalagitnaan lamang ng flag pole ang kanilang mga watawat.

 

Maging ang mga paaralan ay naglaan din ng ilang minutong katahimikan bilang pakikidalamhati sa mga pumanaw sa nagdaang sakuna. (Daris Jose)

Other News
  • Posibleng pagtaas sa kaso ng COVID 19, maaaring maganap anumang araw

    ANUMANG araw ay posibleng magsimula ng tumaas muli ang kaso ng COVID 19 sa bansa.     Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research sa Laging Handa Public briefing na kanilang ibinase ang kanilang projection sa pagkakahalintulad ng characteristics ng Pilipinas sa South Africa at New Dehli sa India na ngayoy inaatake naman ng […]

  • VP Sara, absent sa UN educ summit

    ABSENT at hindi dadalo si Vice President at Education chief Sara Duterte  sa United Nations education summit  na nakatakdang idaos sa susunod na linggo.     Sinabi ni  Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Kira Christianne Danganan-Azucena  na  ang tatayong kinatawan ng Pilipinas sa nasabing okasyon ay si  DFA Secretary Enrique Manalo.     […]

  • Nagparehistro ng SIM, 95 milyon na

    UMABOT  na sa 95 milyon ang bilang ng mga SIM cards na nakarehistro o katumbas ng 56.56% ng halos 169 milyong telco subscribers sa bansa.     Sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commission (NTC), mula sa kabuuang SIM card registrants noong May 8, pinakamataas ang nakarehistro sa Smart Communications Inc., na nasa 44,982,292 o […]