• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Half-Pinay netter pasok sa US Open quarters

Gumagawa ng ingay ang isang half-Pinay tennis player sa prestihiyosong US Open na ginaganap sa New York City.

 

 

Muling nagpasiklab si Filipino-Canadian Leylah Fernandez matapos patalsikin si 2016 US Open champion Angelique Kerber ng Germany, 4, 4-6, 7-6 (5), 6-2, upang makapasok sa quarterfinals ng naturang Grand Slam kahapon.

 

 

Kaya naman itinuturing na giant-killer ang 18-anyos netter kung saan nauna nitong pinatumba si defending champion Naomi Osaka ng Japan sa third round noong nakaraang araw.

 

 

Pinatunayan ni Fernandez na hindi biro ang kanyang panalo matapos muling gulantangin si Kerber para masiguro ang kanyang-kauna-unahang quarterfinal appearance sa isang Grand Slam event sa seniors division.

 

 

Nasa puso ni Fernandez ang pusong Pinoy na palaban. Sa katunayan, inamin nito na naramdaman nito ang pagod sa third set. Subalit hindi sumuko si Fernandez.

 

 

“I was honestly tired in the third set. But with that thought, I was telling myself, like, ‘If I’m tired, she must be exhausted,” ani Fernandez.

 

 

Muling daraan sa pagsubok si Fernandez dahil makakasagupa nito sa quarterfinals si Elina Svitolina ng Ukraine na nanalo kay Simona Halep ng Romania, 6-3, 6-3.

 

 

Sa kabila ng matitinding labang pinagdaraanan nito, ayaw ipasok ni Fernandez sa isipan nito ang pressure.

 

 

Nage-enjoy lang ito sa bawat laro nito sa US Open.

Other News
  • P1.5 milyon droga, baril nasabat ng CIDG sa buy bust sa Caloocan, 2 tiklo

    NASA P1.5 milyong halaga ng illegal na droga at baril ang nasamsam ng pulisya sa dalawang lalaki na naaresto sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega, Oplan Big Bertha at Oplan Salikop sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Nakilala ang mga nadakip na sina Emmanuel Joseph Bendal, 31 ng Blk 13 Lot 39 Belmont Park. […]

  • 5 lugar sa NCR inilagay sa COVID-19 moderate risk

    TUMAAS  sa “moderate risk” ang klasipikasyon ng apat na lungsod sa National Capital Region kasama ang Pateros, ayon sa Department of Health (DOH).     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay batay sa dalawang linggong growth rate ng mga lungsod, average daily attack rate (ADAR), at kapasidad ng kanilang mga health […]

  • Puring-puri ng netizens ang pagiging mother-in-law: SYLVIA, nag-uumapaw ang saya sa engagement nina ZANJOE at RIA

    NAG-POST na rin sa kanyang Instagram account ang premyadong aktres at Face ng Beautederm na si Sylvia Sanchez, tungkol sa engagement ng anak na si Ria Atayde at boyfriend na si Zanjoe Marudo na kanilang in-announce last February 20.     Nagpahayag nga si Sylvia nang labis na kaligayahan para sa kanyang anak.     […]