Halos 100-K indibidwal apektado ng bagyong Julian sa Northern Luzon – DSWD
- Published on October 2, 2024
- by @peoplesbalita
SUMAMPA na sa halos 100,000 katao ang apektado ng pananalasa ng bagyong “Julian” sa 3 rehiyon sa northern Luzon.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development Asec. at spokesperson Irene Dumlao na sa datos mula sa kanilang disaster response management, mahigit 29,000 pamilya o mahigit siyamnapu’t siyam na libong katao ang naapektuhan ng bagyo sa tatlong daan at labing-isang brgy. sa regions 1, 2, at Cordillera administrative region.
Apat na raan at limang pamilya o mahigit isanlibo at dalawandaang indibidwal naman ang nananatili sa limampu’t walong evacuation centers.
Nakikipagtulungan na ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan upang patuloy na mahatiran ng tulong ang mga apektadong residente.
Nakikipag-ugnayan na rin ito sa Office of Civil Defense upang magamit ang air at naval assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang marespondehan lalo na ang mga pinaka-lubhang sinalanta ng bagyo sa region 2 partikular sa Cagayan at Batanes. (Daris Jose)
-
Pinas, may kakayahang magbayad ng utang
MAY KAKAYAHAN at walang problema ang Pilipinas para bayaran ang utang nito na umabot na sa P11.07-trilyong piso. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki lamang tingnan ang pigura ng utang ng bansa subalit kung tutuusin ay nasa “mid-range” ito kumpara sa ibang lower-middle-income countries. Sa huling data ng Bureau of the Treasury, […]
-
2.04 milyong Pinoy, tambay noong Abril — PSA
TUMAAS ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong Abril ngayong taon. Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nasa 2.04 milyon ang mga Pinoy na 15-anyos pataas ang walang trabaho na mas mataas kumpara sa 2 milyon na naitala noong Marso. Sabi ni […]
-
National IDs ‘di tinatanggap na pruweba sa government offices
WALA umanong silbi ang PhilSys ID o ang national ID dahil hindi ito tinatanggap na pruweba ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal sa mga tanggapan ng gobyerno at iba pang mga opisina dahil umano sa kakulangan ng lagda. “Without a specimen signature on it, the Philippine National ID has apparently been rendered useless as a […]