Halos 100-K indibidwal isinailalim sa pre-emptive evacuation sa ‘Bagyong Odette’ – NDRRMC
- Published on December 18, 2021
- by @peoplesbalita
Nasa 26,430 pamilya o 98,091 indibidwal na ang isinailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa bagyong “Odette” mula sa apat na rehiyon.
Ayon kay NDRRMC Operations Center Chief Jomar Perez, pinakamarami sa mga ito ay ang mula sa CARAGA region na bumibilang ng mahigit 78,000 kasunod ang Region 8 na nasa mahigit 17,000; Region 7 na mahigit 2 libo; at Region 10 na nasa 300.
Sinabi ni Perez nagpapatuloy aniya sa ngayon ang paglilikas ng mga apektadong residente na bolunyaryo namang sumasama at kasalukuyang nanunuluyan sa 99 evacuation centers.
Iniulat ni Perez, sa ngayon dalawang road sections ang apektado at 59 seaports ang apektado.
Dalawang siyudad din ang nakakaranas ng power outages.
May natanggap na rin ang NDRRMC na report hinggil sa isinasagawang search and rescue operation sa ilang mga lugar na tinumbok ng Bagyong Odette.
Samantala, tiniyak naman ni Office of Civil Defense Deputy Administrator Asec Casiano Monilla na sapat ang bilang ng mga evacuation centers para masiguro ang physical distancing ng mga evacuees.
Paliwanag ni Monilla, maaga palang ay tinukoy na ng NDRRMC at mga LGU ang mga karagdagang pasilidad na maaring gamitin bilang evacuation at quarantine center, at may itinakdang maximum capacity para sa mga ito.
Dagdag pa ni Monilla, mga miyembro Lang ng iisang pamilya ang pinapayagang magsama sama sa isang tent o cubicle sa mga evacuation center bilang bahagi ng health protocols. (Daris Jose)
-
Sa upcoming serye na ‘Pulang Araw’ BARBIE, excited na sa pagganap bilang Filipina Vaudeville performer
PROUD husband at daddy si Kuya Kim Atienza dahil sa achievement na natanggap ng kanyang wife at anak. Sa Instagram post ng Dapat Alam Mo! host, na-share niya na nakapagtapos ang kanyang wife na si Felicia ng master’s degree in Nutrition Science, samantalang ang anak niyang lalaki na si Jose ay nakapagtapos sa Tufts University […]
-
Pastor Quiboloy, dapat harapin ang kaso dito sa Pilipinas at sa Estados Unidos upang patunayan ang kanyang sarili
TINULIGSA ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy kasunod na rin sa kanyang mga demands bago sumuko. Ayon sa mambabatas, dapat harapin nito ang kaso dito sa Pilipinas at sa Estados Unidos upang patunayan ang kanyang sarili laban sa mga alegasyong ibinabato sa kanya. […]
-
PREPARE FOR TAKEOFF WITH “TOP GUN: MAVERICK” CHARACTER POSTERS
MEET the best of the best. Get to know the Top Gun: Maverick crew with the reveal of their individual character posters. See them on the biggest screen possible on Wednesday, May 25 in theaters and IMAX across the Philippines. [Watch the film’s new spot at https://youtu.be/N8stAcufxy8] About Top Gun: Maverick After more than thirty […]