Halos 150,000 COVID-19 vaccines tinupok ng apoy sa Zamboanga del Sur
- Published on November 5, 2021
- by @peoplesbalita
Mahigit-kumulang daanlibo’t kalahating bakuna laban sa nakamamatay na coronavirus disease ang nasira matapos lamunin ng sunog ang isang gusali sa Mindanao, pagkukumpirma ng gobyerno.
Ang ulat ay kinumpirma ng Malacañang, Department of Health at National Task Force Against Covid19 (NTF) sa ilang pahayag na inilabas simula Lunes.
“We are saddened that 148,678 doses of COVID 19 vaccines were damaged during the fire that broke out at the Provincial Health Office of Zamboanga del Sur on the evening of October 31,” ayon sa inilabas na joint statement ng pamahalaan kahapon.
“The three-storey building which is occupied by different offices and departments of the provincial government also served as the provincial cold chain storage facility for COVID-19 vaccines allocated for 26 municipalities and one component city.”
Sa mga inisyal na ulat, kabilang sa mga doses ng bakuna na nasira ang:
- AstraZeneca (9,176)
- Moderna (14,400)
- Pfizer-BioNTec (88,938)
- Sinovac (36,164)
Ang mga gamot mula AstraZeneca ay ay nakalaan sana para sa ikalawang dose na igugulong na sana sa ika-3 ng Nobyembre, habang ang para naman sa mga edad 12-17 ang Moderna vaccines na ibibigay sana sa kaparehong petsa.
Naka-allocate naman para sa Pagadian City ang isang-kapat ng Pfizer vaccines na napisala na siyang nakaimbak sa provincial cold storage lalo na’t puno na ang ultra-low freezer ng lungsod: “Meanwhile, a half of the Pfizer doses were meant for the province’s vaccination rollout, while another quarter of the supply were scheduled for deployment to other local government units,” dagdag pa ng statement.
“The Sinovac vaccines were not delivered immediately because there were already LGUs that refused to accept the said vaccines due to vaccine brand preference.”
Binabantayan naman na NTF, kasama ng DOH, Department of the Interior and Local government atbp. ang developments sa imbestigasyon ng insidente. Nasa proseso pa rin naman ang mga responders sa pagsalba sa mga bakuna, refrigerators, carriers at transport boxes na pwede pang magamit.
Sinisiguro naman ngayon ng gobyerno sa mga residente ng Zamboanga del Sur na agad mapapalitan ang mga napinsalang bakuna lalo na para sa mga naka-schedule nang makakuha ng ikalawang dose ng gamot.
‘Nakakalungkot na balita’
Ipinaabot naman ng Palasyo ang kanilang panghihinayang pagdating sa nangyari, lalo na’t marami sana ang maproprotektahan ng gamot mula sa peligro ng COVID-19.
“Malungkot nga po itong balitang ito dahil ang nasunog po talaga ay ‘yung regional DOH office. So kinukumpirma ko po na hindi bababa sa 100,000 doses ang naapektuhan,” ani presidential spokesperson Harry Roque ngayong Martes.
“Mabilis naman po nating mapapalitan ‘yan dahil hindi naman po problema ang suplay. Ito po talaga ay nangyayari, hindi po talaga natin ginusto na magkaroon ng ganyang sunog.”
Tinap naman na ng DILG ang Philippine National Polcie at Bureau of Fire Protection at mga regional offices nito para matiyak ang mabilis na imbestigasyon sa apoy.
Maglalabas naman ang DILG ng show cause order sa pamahalaang panlalawigan ng Zamboanga del Sur pagdating sa kabiguan nilang maipamahagi ang ang mga baKkuna tatlong araw matapos matanggap ang kanilang supplies.
“To avoid similar incidents happening in the future, the DILG and DOH are reiterating to all LGUs at the municipal, city, and provincial levels to ensure that safety officers are reporting 24/7 in all COVID-19 cold chain facilities and warehouses,” pagtitiyak ng gobyerno sa joint statement.
Paalala ng gobyerno, “ginto” ang COVID-19 vaccines ngayon lalo na’t isang buhay na nailigtas na raw ito sana.
Sa huling ulat ng Kagawaran ng Kalusugan, sumampa na sa 2.79 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay na mula s avirus ang 43,276 katao ayon sa mga datos kahapon.
-
Inamin na ang ‘Livestream’ ang pinakamahirap na nagawa: ELIJAH, ipinagpaalam kay MILES ang ‘butt exposure’ at walang violent reaction
NAGPAKITA ng kanyang butt ang award-winning actor na si Elijah Canlas sa online horror movie na Livescream. Ayon sa aktor, ito na raw ang pinakamahirap na pelikula na ginagawa niya. Bago raw sila mag-shoot ng movie, pinag-workout daw muna siya para batak ang katawan niya dahil marami siyang eksenang hubo’t hubad siya. “I […]
-
Malamig na panahon, patuloy na mararamdaman sa Metro Manila – PAGASA
Magpapatuloy ang malamig na panahon sa Metro Manila partikular sa madaling araw dahil sa hanging amihan. Ito ang pahayag ng PagAsa makaraang makaranas ng malamig na panahon na 9.4°C sa Baguio at 19.9°C temperatura sa Metro Manila nitong nagdaang araw ng Linggo, January 31. Ayon kay Chris Perez, senior weather specialist ng PagAsa, […]
-
Training ng PBA teams simula na ngayon sa Pampanga
Makakapagsimula nang mag-ensayo ngayong araw ang mga PBA teams sa Pampanga na magandang senyales na abot-kamay na ang restart ng PBA Season 46 Philippine Cup. Unang aarangkada sa ensayo ang Alaska at Barangay Ginebra na nasa morning schedule ng liga. Parehong alas-8 ng umaga ang training ng dalawang tropa kung saan […]