• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 2.5-M katao nanood sa mga group stages ng FIFA World Cup

Nasa mahigit 2.45 milyon katao ang dumalo at nanood sa unang 48 na laro ng FIFA World Cup 2022 sa Qatar.

 

 

Ang nasabing bilang ay mas mataas noong 2018 World Cup na ginanap sa Russia para sa mga group stages.

 

 

Ayon sa FIFA na sa lahat ng mga laro sa group matches ay naitala ang maraming nanood sa laban ng Argentina at Mexico sa Lusail Stadium na dinaluhan ng 88,996 katao.

 

 

Sa kasalukuyan ay nanguna ang Saudi Arabia sa listahan ng may pinakamaraming bisita na aabot sa 77,000 na sinundan ito ng India na mayroong mahigit 56,000.

 

 

Magugunitang bago ang pagsisimula ng torneo ay inihayag na ng Qatar na inaasahan na nila na ilang milyong katao ang dadalo para makapanood ng live sa mga laro. (CARD)

Other News
  • 4 tulak nasilo sa drug bust sa Navotas

    SHOOT sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y iligal drug activities ni alyas Andeng, 37, at alyas Noel, 42, […]

  • Mga doktor nabahala sa paglobo ng pertussis

    LUBHANG nababahala ang Philippine College of Physicians (PCP) sa pagtaas ng mga kaso ng pertussis o whooping cough sa Pilipinas.     Sa unang 10 linggo nitong taon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit sa 500 kaso ng nasabing sakit kung saan 40 ang nasawi at idineklara ang outbreaks sa Quezon City, Pasig […]

  • Babylove Barbon, Gen Eslapor nanalasa sa beach volleyball

    Lumapit ang tambalang reigning MVP Babylove Barbon at Gen Eslapor sa pangwalong sunod na titulo para sa University of Santo Tomas nang itumba sina Euri Eslapor at Alyssa Bertolano ng University of the Philippines, 21-16, 21-6, sa 85th University Athletic Association of the Philippines 2022 women’s beach volleyball tournament semifinals Linggo ng hapon sa Sands […]