HALOS 2 MILYONG HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA CAVITE
- Published on January 27, 2022
- by @peoplesbalita
TINATAYANG halos P2 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasasam sa pagkakaaresto ng tatlong katao kabilang ang nominee ng isang party List at isang menor de edad sa isang buy bust operation sa Dasmarinas City, Cavite Lunes ng hapon.
Kinilala ang mga naaresto na sina Asrap Kamad Kasan Datu (ASRAP) , Nominee Partylist ng Peoples Volunteer Against Illegal Drug (PVAID) (Number 39); Jerklie Abdulkarim (DATU) ang isang 17-anyos (TATO) na menor de edad.
Sa ulat ng NBI-TFAID, nitong January 23, nakatanggap sila ng impormasyon na si Datu ay may ibebentang shabu na nagkakahalaga ng P900,000 sa informant dahilan upang nagplano ng isang buy bust operation.
Nitong Jan 24, nagkasundo si Datu at ang informant na susunduin nito ang isang kaibigan na kinilalang si Asrap sa isang lugar sa Roxas Boulvard sa Pasay City bago sila tumuloy sa Dasmarinas City.
Sakay ng isang Nissan Sentra na minaneho ng isang operatiba ng NBI-TFAID, sinundo nila si ASRAP at nagtuloy sa Paliparan III, Dasmarinas City, Cavite kung saan dito ibibigay ang P900,000 halaga ng shabu.
Pagdating sa lugar, pumasok sa sasakyan ang kausap ni Datu na si Tato kung saan iniabot kay ASRAP ang isang maliit na kahon na naglalaman ng shabu kung saan dito na inaresto ang mga suspek ng pinagsamang puwersa ng NBI-TFAID, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at e PNP-Cavite Provincial Office.
Nakuha kina DATU, ASRAP at TATO ang 293.5185 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P199,800.
Kasong paglabag sa Secs. 5 and 11 of RA 9165 (The Comprehension Dangerous Drug Act of 2020) ang kinakaharap ng mga suspek. (GENE ADSUARA)
-
Atletang ‘di kasama sa Vietnam SEAG, babakunahan din
Lahat ng mga national athletes ay bibigyan coronavirus disease (COVID-19) vaccines kahit ang mga hindi sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Ito ang inaprubahan kahapon ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of Health (DOH). Noong Biyernes […]
-
Ads February 7, 2024
-
Nasa Amerika pa rin para sa ‘Iconic’ concert tour: Talk show nina SHARON at REGINE, inaabangan kung tutugunan ng ABS-CBN
ROSE Van Ginkel was only 13 nang magsimula siya ng kanyang showbiz career. At that time, ang tingin niya sa sarili ay pangit siya. She was beginning to doubt herself kung nasa tamang career ba siya. Tinatanong na nga ni Rose ang kanyang sarili kung may kulang ba sa kanya kasi […]