Halos 400 million na mga bata sa buong mundo, dumaranas ng maranas na pagdidisiplina – UNICEF
- Published on June 13, 2024
- by @peoplesbalita
Dumaranas umano ng marahas na pagdidisiplina sa kanilang mga tahanan ang halos 400 milyong mga bata sa buong mundo, batay sa isinagawang pag-aaral ng UN Children’s Fund (UNICEF).
Ang mga naturang bata ay may edad 5 pababa kung saan natukoy na dumaranas sila ng pangmamaltrato, physical at psychological discipline katulad ng pamamalo at pang-iinsulto, atbpa.
Kabilang sa mga psychological abuse na kinokonsidera ng UNICEF ay ang pagsigaw sa mga bata, at pagtawag sa kanila bilang mga tamad at bobo.
Habang ang physical abuse ay kinabibilangan ng pamamalo, pananampal, panggugulo, at iba pang paraan ng pananakit sa mga bata.
Mula sa halos 400 million na mga bata, 300 million sa kanila ang umano’y nakakaranas ng physical punishment.
SInabi rin ng UNICEF na bagaman ipinagbabawal ang corporal punishment sa mga bata, halos 500 million ng mga bata umano sa buong mundo na may edad lima pababa ay walang legal na proteksyon laban dito.
Ayon kay UNICEF Executive Director Catherine Russell, kung ang mga bata ay laging nakakaranas ng physical o verbal abuse sa kanilang mga tahanan, o kung sila ay pinagkakaitan ng social at emotional care mula sa kanilang mga magulang, maaapektuhan ang kanilang pagmamahal sa sarili at kabuuang pagtanda. (Gene Adsuara)
-
Ads December 20, 2022
-
3 TIMBOG SA P1 MILYON SHABU SA NAVOTAS
MAHIGIT P1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang babae matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Noraima Esmail, 32, Ma. Clarise Certeza, […]
-
Jason Statham Thinks Sylvester Stallone Has A Great Hand On The ‘Expendables’ Team
ACTOR Jason Statham, who has been playing Lee Christmas, the right-hand man on the ‘Expendables’ team, in the franchise since 2010, has said that the movies from the franchise are essentially escapism. Talking about the success of the franchise, Statham said that he thinks Sylvester Stallone has a great hand in it. […]