Halos $4b investment pledges at daan- daang libong trabaho, posibleng pumasok sa Pinas
- Published on September 30, 2022
- by @peoplesbalita
POSIBLENG pumasok sa Pilipinas ang $4 bilyong halaga ng investment at daan- daan libong trabaho kasunod ng 6-day working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos.
Sa isang kalatas, sinabi ng Malakanyang na ang business agreements at commitments na nasungkit ng Pangulo sa Estados Unidos ay tinatantiyang may investment value na $3.9 billion at potential employment generation na 112,285 trabaho.
Ang $4 bilyong dolyar na potential investment ay magmumula sa Information Technology and Business Process Management (IT-BPM), data centers, at manufacturing.
Ang paglilinaw naman ng Malakanyang, na ang nasabing estimate o pagta-tiyantiya ay hindi naman sumasalim sa ‘full potential’ ng future investments mula sa ilang kompanya na nakapulong ni Pangulong Marcos sa New York.
Bagama’t marami aniyang mga kumpanya na nagpahayag na ng interes na mamuhunan, kailangan pa rin ayon sa Malakanyang na maselyuhan ang mga investment pledges. (Daris Jose)
-
JED, sobrang nakaka-relate sa pinagdaanan ng ‘BTS’ bago sila naging global superstars; nakaranas din ng anxiety attacks
NAGING open ang singer na si Jed Madela tungkol sa naranasan niyang anxiety noong magkaroon ng COVID-19 pandemic. Sa naging panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz, kinuwestiyon ni Jed ang sarili kung hinahanap-hanap pa ba siya ng maraming tao at kung may career pa ba siyang puwedeng matawag? “Ang daming […]
-
Australian Open Champion: Djokovic balik sa ranked number 1
Nakabalik sa pagiging ranked number 1 ng Association of Tennis Professionals (ATP) si Serbian tennis star Novak Djokovic. Inilabas ng ATP ang rankings isang araw matapos na magkampeon ang 35-anyos na si Djokovic sa Australian Open ng talunin si Stefanos Tsitsipas ng Greece sa finals. Pinalitan nito sa puwesto sa pagiging number 1 […]
-
DICT iminungkahi ang pagkilala ng digital version ng National ID
IMINUNGKAHI ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paglalabas ng digital version ng Naitonal ID habang hindi pa natatapos ang printing ng mga cards. Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy, na ang digital ID ay ginagamit na halos ng karamihan dahil ito ay madaling dalhin kumpara sa mga cards. […]