• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 700 mga private schools, sarado muna ngayong school year -DepEd

Umaasa ang Department of Education (DepEd) na magiging pansamantala lamang ang pagsuspinde muna ng nasa halos 700 mga pribadong paaralan sa buong bansa sa kanilang operasyon ngayong school year.

 

Ayon kay DepEd Usec. Jesus Mateo, nasa 676 ang mga private schools ang nagsabi na raw sa kanila na hindi raw muna sila magbubukas ngayong taon bunsod ng epekto ng coronavirus crisis.

 

“Temporary lang ang closures nila pero kung maganda-ganda na next year, magbubukas na po sila,” wika ni Mateo.

 

Sa panig naman ni Education Secretary Leonor Briones, ang mababang enrollment turnout at ang paglipat ng mga guro sa public schools ang ilan sa mga pangunahing rason kaya nagpasya ang ilang mga eskwelahan na magsara muna.

 

“Wala pang COVID, wala pang downturn ng economy, nagma-migrate na ang private school teachers dahil ‘di mahabol ng mga maliliit na private schools ang compensation at benefits ng mga nasa public schools,” ani Briones.

 

Nagpahayag naman ng kanyang pag-asa si Briones na irerekonsidera ng naturang mga educational institution ang kanilang pasya dahil sumisigla na raw ang takbo ng ekonomiya.

 

Kasabay nito, umapela rin ang kagawaran sa mga local government units na tulungan ang mga private schools sa kanilang lugar na nahihirapang mag-operate dahil sa pandemya.

 

Sa datos mula sa ahensya, ang temporary closure sa mga paaralan ay makakaapekto sa mahigit 40,00 estudyante at mahigit 3,000 mga guro.

 

Sa panig ng mga grupo ng private schools, sinabi ni Atty. Joseph Noel Estrada ng Coordinating Council of Private Educational Associations na umaasa silang gaganda ang enrollment sa mga pribadong institusyon sa oras na malagdaan na ang Bayanihan to Recover as One Act o kilala rin bilang Bayanihan 2.

 

Sa ilalim ng panukalang batas, may nakalaang allowance para sa mga kwalipikadong estudyantem mga gurong nawalan ng trabaho at mga non-teaching personnel.

 

Ayon sa Malacanang, posibleng lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 2 sa susunod na linggo. (Daris Jose)

Other News
  • Hoping na madagdagan para mas marami ang makapanood: MIGUEL at YSABEL, parehong nalungkot na konti lang sinehan ng ‘Firefly’

    ISANG isyu tungkol sa ‘Firefly’ ay ang pagkakaroon ng kakaunting sinehan na pinagpapalabasan nito ngayong Pasko.     Ano ang masasabi ni Ysabel Ortega tungkol dito?     Lahad ni Ysabel, “Of course we’re hoping na as the days go by mas dumami ang sinehan kasi naniniwala po talaga kami sa pelikula.     “And […]

  • Mga dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test

    MGA dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test ng mula Sabado (Hulyo 23) ng ala-1:30 ng hapon       Ito ang nakapaloob sa ipinalabas na health and safety protocols ni House of Representatives Secretary-General Mark Llandro Mendoza bilang guidance sa mga dadalo sa pagbubukas ng First Regular Session ng 19th Congress at […]

  • Inflation rate ng PH, maaaring pumalo sa 4.3%

    MAAARING  pumalo sa 4.3% ang inflation rate sa Pilipinas ngayong taon.     Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, mas mataas ito sa target na dalawa hanggang apat na porsyento lamang.     Pero sa darating na 2023, inaasahang bababa na ang inflation rate sa 3.6%.     Ang paiba-ibang datos […]