• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Halos kalahati’: Pamilyang Pinoy na naniniwalang mahirap sila sumirit sa 48% — SWS

LALONG tumaas sa 48% ang bilang ng pamilyang Pinoy na nagsasabing sila’y naghihirap kahit nagbalik na ang halos lahat ng trabaho at establisyamento ngayong pandemya, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

 

 

‘Yan ang napag-alaman ng SWS sa kanilang face-to-face interviews sa 1,500 katao sa buong Pilipinas na siyang ikinasa noong ika-26 hanggang ika-29 ng Hunyo. Ito ang huling survey tungkol sa kahirapan bago bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

“The estimated numbers of Self-Rated Poor families are 12.2 million in June 2022 [up from] 10.9 million in April 2022,” wika ng SWS sa isang pahayag na inilabas, Martes.

 

 

“Compared to April 2022, the percentage of Poor families rose from 43%, while Borderline families fell from 34%, and Not Poor families declined from 23%.”

 

 

Kung hahati-hatiin ang datos, ito ang lalabas:

 

mahirap (48%)

 

borderline poor (31%)

 

hindi mahirap (21%)

 

Ayon sa pag-aaral, ang 5-point increase sa self-rated poverty sa buong bansa ay dahil sa pagtalon nito sa Visayas at Metro Manila, bagay na sinegundahan ng bahagyang pagtaas sa Mindanao at Balance Luzon.

 

Batay naman sa uri ng pagkain na kinokonsumo, 34% sa mga na-survey na pamilya ang sinasabing “food-poor,” habang 40% ang nagsasabing borderline food-poor sila at 26% naman ang hindi.

 

Mas mataas ang food-poor ngayon (8.7 milyon) kumpara sa 31% noong Abril (7.9 million). Dumami ito sa lahat ng lugar maliban sa Mindanao.

 

 

Record-high naman ang self-rated poverty threshold sa Visayas sa halagang P20,000. Ito ang minimum na monthly budget ng mga self-rated poor families para masabi nilang hindi na sila mahirap. Isa ito sa mga indicator na naghihigpit sila ng sinturon. Nananatili ito sa P15,000 sa sa pambansang antas.

 

 

“Of the estimated 12.2 million Self-Rated Poor families in June 2022, 2.2 million were Newly Poor, 1.6 million were Usually Poor, and 8.4 million were Always Poor,” dagdag pa ng SWS.

 

 

“Of the estimated 13.3 million Self-Rated Non-Poor families in June 2022, 5.3 million were Newly Non-Poor, 3.0 million were Usually Non-Poor, and 5.0 million were Always Non-Poor.”

 

 

Ang pag-aaral ay hindi kinomisyon ninuman. Ang sampling error margines ay sinasabing nasa ±2.5% para sa national percentages, ±5.7% para sa Metro Manila at Visayas, at Mindanao habang ±4.0% naman ito sa Balance Luzon.

Other News
  • Ads February 20, 2021

  • GINA, interesadong mag-audition sa hinahanap na Filipino lola para sa isang ‘Disney’ movie

    NAG–ANNOUNCE ang Walt Disney Company na naghahanap sila ng isang Filipino lola para maging part ng cast ng Disney movie, kaya narito ngayong sa bansa ang casting team.    Kaya naman ang award-winning Filipino actress, si Ms. Gina Pareno, ay nag-post sa Twitter account niya na interesado siyang mag-audition for the said role.   Tweet […]

  • Balitang-balita na ang plano sa Maynila: ISKO, wala nang balak mag-mayor at posibleng tumakbo si Sen. IMEE

    WALA na raw balak na puntiryahin ni dating Manila Mayor, aktor at TV host Isko Moreno ang pagiging alkalde ng Maynila.   Kaya malakas ang ugong na si Sen. Imee Marcos daw ang makakalaban ng kasalukuyang Ina ng Maynila na si Mayor Honey Lacuna. Pero itinanggi naman ng isang malapit sa Senadora. But still, mukhang […]