• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos P.2M droga nasabat sa Malabon, Navotas drug bust

HALOS P.2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa apat na hinihinalang drug personalities na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito, alas-11:30 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas “Jayz”, 21, sa Dr. Lascano St., Brgy. Tugatog matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta ito ng shabu.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Jayz ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang kanya umanong parukyano na si alyas “Bukol”, 42.

 

 

Nakumpiska sa dala ang humigi’t kumulang 22.26 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P153,680.00, buy bust money at coin purse.

 

 

Sa Navotas, nalambat naman ng mga operatiba ng Navotas police SDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Genere Sanchez sa buy bust operation sa Ayungin St., Brgy., NBBS Kaunlaran dakong alas-4:05 ng madaling araw sina alyas “Jenny”, 45 at alyas “Dre”, 40 ng Tondo Manila matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Ani Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakuha sa mga suspek ang nasa 5.28 grams ng umano’y shabu na may standard drug price value na P35, 904.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • PNP OIC Lt Gen. Eleazar na close contact ni PNP Chief Sinas, negatibo sa Covid-19 virus

    Negatibo sa Covid-19 virus si PNP OIC PLt. Gen. Guillermo Eleazar, matapos sumailalim sa RT-PCR test.     Ayon kay Eleazar, bilang close contact ni PNP Chief PGen. Debold Sinas, na unang nag-positibo sa Covid 19, nagpasuri din siya kahapon at ngayong umaga lumabas ang resulta.     Huling nakasama ni Eleazar si PNP Chief […]

  • Ilang major road projects sa Metro Manila, nasa 80% completion na- DPWH

    TINATAYANG nasa 80% completion na ang mga Road projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na inaasahang magpapagaan sa daloy ng trapiko sa EDSA at iba pang major roads sa Metro Manila (MM). Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, na ‘as of may 2020’, tinatayang aabot sa 23,657 kilometers na mga bagong tulay […]

  • MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 20 benepisyaryo ng Government Internship Program

    MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 20 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) kung saan sa kanyang mensahe sa ginanap na GIP orientation, ay pinayuhan ni Mayor John Rey Tiangco ang mga ito na magsimula nang malakas at magtrabaho nang mahusay mula sa kanilang unang araw ng trabaho. (Richard Mesa)