Halos P.2M droga nasabat sa Malabon, Navotas drug bust
- Published on January 18, 2024
- by @peoplesbalita
HALOS P.2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa apat na hinihinalang drug personalities na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.
Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito, alas-11:30 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas “Jayz”, 21, sa Dr. Lascano St., Brgy. Tugatog matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta ito ng shabu.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Jayz ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang kanya umanong parukyano na si alyas “Bukol”, 42.
Nakumpiska sa dala ang humigi’t kumulang 22.26 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P153,680.00, buy bust money at coin purse.
Sa Navotas, nalambat naman ng mga operatiba ng Navotas police SDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Genere Sanchez sa buy bust operation sa Ayungin St., Brgy., NBBS Kaunlaran dakong alas-4:05 ng madaling araw sina alyas “Jenny”, 45 at alyas “Dre”, 40 ng Tondo Manila matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ani Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakuha sa mga suspek ang nasa 5.28 grams ng umano’y shabu na may standard drug price value na P35, 904.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Ads April 19, 2023
-
Kahit inilibing na: KOBE, GIANNA PUBLIC MEMORIAL SA STAPLES MAY BAYAD
INIHATID na umano sa kanilang huling hantungan ang mag-amang Kobe at Gianna Bryant dalawang linggo matapos masawi sa isang helicopter crash sa California. Batay sa ulat sa US media, naging pribado lamang ang seremonya ng paglilibing na isinagawa sa Corona Del Mar, California nitong Pebrero 7. “Vanessa and the family wanted a private […]
-
QC residents nakinabang sa naibabang financial assistance: AIKO, ginawaran ng ‘National Outstanding Humanitarian and Leadership Service’
UMABOT na sa 10,500 residente ng Quezon City ang napagkalooban ng financial assistance na naibaba sa pamamagitan ni Councilor Aiko Melendez. Bukod sa financial assistance, nakapagbaba rin katumbas ng P20 million medical assistance sa pamamagitan ng guarantee letters si Melendez na kamakailan ay ginawaran ng “National Outstanding Humanitarian and Leadership Service”. Kasama niya […]