• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos P1.5M shabu nasamsam sa 6 na miyembro ng “Onie Drug Group”

NASAMSAM sa anim na miyembro ng umano’y notoryus na “Onie Drug Group” na nag-ooperate sa northern area ng Metro Manila at Bulacan ang halos P1.5 milyon halaga ng shabu matapos ang matagumpay na buy-bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan city at San Jose Del Monte (SJDM) city, Bulacan.

 

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, ang pagkakaaresto kay Rowena Lutao, 35, Ronaldo Rufo, 21, kapwa ng Brgy. Paradise III, Tungko, SJDM City, Renato Tumalad, 46 at Lorna Manalad, 50, kapwa ng Caloocan city, ay mula sa naunang operation ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, Jr. sa Caloocan city.

 

Bandang 9:30 ng gabi nang maaresto ang apat na miyembro ng Onie Drug Group sa koordinasyon kay SJDM city police chief P/Lt. Col. Crizaldy Conde sa 40 Purok 4, Brgy. Paradise III, SJDM city matapos bentahan ng mga ito ng P6,000 halaga ng shabu ang isang police poseur-buyer.

 

Nakumpiska ng operating team sa mga suspek ang humigit- kumulang sa105 gramo ng shabu na tinatayang nasa P714,000.00, ang halaga, isang cal. 9mm pistol na may magazine at kargado ng pitong bala, cal. 38 revolver na kargado ng apat na bala at cal. 380 Beretta pistol na kargado ng apat na bala at buy-bust money.

 

Ani Brig. Gen. Ylagan, alas-7 ng gabi nang unang maaresto ng mga operatiba ng DDEU ang dalawang miyembro ng Onie Drug Group na si Janno Olivar, 28 ng Julian, Felipe at Jhian Nartea, 18 ng Tupda Village, sa buy-bust operation sa Sapang Saging, Julian Felipe, Brgy. 8, Caloocan city at narekober sa kanila ang aabot sa 110 gramo ng shabu na tinatayang nasa P748,000.00 ang halaga at P1,000 marked money na ginamit sa buy-bust.

 

Matatandaan na noong September 3, 2020 nang masakote ng mga operatiba ng DEU sa buy- bust operation ang leader ng Onie Drug Group na si Renato Perez, alyas “Onie”, 32, No. 1 sa NPD Top 10 drug personality sa Tupda Village, Brgy. 8, Caloocan City at nakumpiska sa kanya ang 110 gramo ng shabu na nasa P748,000.00 ang halaga. (Richard Mesa/Ludwig Lechadores)

Other News
  • Pinay Paralympic bronze medalist Josephine Medina pumanaw na, 51

    Pumanaw na si Filipino Paralympic Games bronze medalist Josephine Medina sa edad 51.     Nakuha niya ang bronze medal sa table tennis competition noong 2016 Rio Paralympics.     Siya ang pangalawang Filipino na nakakuha ng medalya sa paralympic na ang una ay si Adeline Dumapong noong 2000 Sydney.     Nagpaabot naman ng […]

  • Pandemic fatigue, ugat ng dumaraming quarantine violators – NTF

    Aminado ang National Task Force (NTF) against COVID-19 na isa sa malaking challenge ngayon ang nararanasang pandemic fatigue.     Ayon kay NTF spokesman retired MGen. Restituto Padilla, ito ang kadalasang rason ng mga nahuhuling quarantine violators, lalo na sa mga mass gathering.     Aniya, nauunawaan nila ang ganung pakiramdam, lalo’t dalawang taon na […]

  • Dagdag kontribusyon idinepensa ng PhilHealth

    IDINEPENSA ng Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) ang isinusulong nilang mas mataas na kontribusyon para sa kanilang mga miyembro at sinabing kinakailangan ito para sa kanilang plano na palawakin pa ang kanilang coverage.     Ayon kay PhilHealth CEO Emmanuel Ledesma Jr., sa ilalim ng kanilang planong expansion of coverage, hindi na kakailanganin pa ng […]