• June 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos P280-M na halaga ng tulong, naipamahagi sa mga apektado ng oil spill

INIULAT ng National Task Force – Mindoro oil spill sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot na sa halos Php280 million na ang halaga ng tulong na naipamahagi na sa mga residenteng apektado ng oil spill.

 

 

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagkilos ng buong gobyerno para tiyakin na mapapalakas pa ang response at recovery programs sa mga apektadong lugar.

 

 

Ayon sa naturang task force, ito ay matapos na umabot sa P279.7 million ang kabuuang halaga ng tulong na naipaabot na ng ng pamahalaan, Local Government Units, Non-Government Organizations, at stakeholders.

 

 

Kaugnay nito ay nasa Php262.3 million dito ay mula sa mga family food packs, non-food items, Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), Emergency Cash Transfer, at Cash for Work profrans, ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development.

 

 

Habang sa bukod pang ulat ay sinasabing umabot na rin sa 38,871 ang bilang ng mga pamilya mula sa MIMAROPA, Western Visayas, at Calabarzon ang apektado ng oil spill.

Other News
  • “Walang puwang ang mga ‘paninira, paghahatakan pababa’ -PBBM

    “SA isang Bagong Pilipinas, walang puwang ang mga paninira at paghahatakan pababa.     Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang YouTube channel sabay sabing “unahin natin ang ating bayan. Magbago na tayo dahil walang Bagong Pilipinas kung walang bagong Pilipino.”     Noong nakaraang linggo, tinawag na ‘bangag’ at binatikos ni […]

  • 3 huli sa aktong bumabatak ng shabu sa Valenzuela

    TATLO, kabilang ang 20-anyos na bebot ang arestado matapos mahuli sa aktong mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng kanilang lungga sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Sub-Station 6 Commander PCPT Manuel Cristobal ang naarestong mga suspek bilang sina Manuelito Lopez, 47, construction worker, Yazzer Tizon, 36, kapwa […]

  • CHRISTIAN, hiyang-hiya na napaniwala at napa-order sa viral na ‘Pop Star Meal’; umaapela na baka puwedeng totohanin

    NAKAKAALIW ang naging experience ni Christian Bables nang patulan niya ang viral na Fan-made Jollibee ‘Pop Star Meal’.     Sa kanyang twitter post, “Nag drive thru ako for the pop star meal, shet hindi pala to totoo. Napapala ng hindi nagbabasa.     “Hi ate sa Jollibee drive thru, sa lutong ng tawa mo […]