• February 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HAMON NG KMK KAY EXECUTIVE SECRETARY BERSAMIN KAUGNAY NG PAGPASLANG KAY KA JUDE FERNANDEZ

HINAHAMON ng KMK ang administrasyong Marcos na kagyat na pangalanan ang lahat ng elemento ng PNP-CIDG na sangkot sa pagpatay kay Jude Thaddeus Fernandez, isang beteranong trade union organizer. Dahil inosente ang kanilang napaslang, dapat silang kagyat na irelieve sa kanilang mga posisyon at idetine habang gumugulong ang imbestigasyon.

 

 

Bagama’t may pauna nang pahayag ang Malacanang sa katauhan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nangangakong gagawa ito ng kongkretong hakbang upang imbestigahan ang nangyaring pagpaslang, hindi basta-basta maniniwala ang mga manggagawa sa mga pangako kung walang kongkreto at kagyat na aksyon dahil napakaraming mga kaso ng pag-atake sa hanay ng mga manggagawa ang nabalewala at hindi nakamit ang hustisya sa kabila ng matibay na mga ebidensya.

 

 

Hindi sa atin kaila na napakaraming mga manggagawa at organisador ng mga unyon ang naging biktima ng pamamaslang ang hindi pa rin nabibigyang hustisya sa ngayon kagaya ni Dandi Miguel at Manny Asuncion. Nariyan din ang kaso ni Elizabeth Loi Magbanua na biktima ng sapilitang pagkawala na hindi pa rin naililitaw sa ngayon sa kabila ng paborableng desisyon ng korte suprema sa petisyong  writ of amparo na inihain ng kanyang pamilya.

 

 

Kung seryoso ang pamahalaan sa pagbibigay ng hustisya kay Ka Jude, dapat itigil na ng PNP CIDG ang patuloy na paglulubid ng kasinungalingan at pagtanggi sa ginawa nilang operasyon laban sa biktima. Sukdulan ang pagiging sinungaling ng PNP-CIDG upang mapagtakpan ang ginawa nitong krimen. Sa pinakahuling pahayag nito, sinasabi ng PNP na ang kanilang napatay sa operasyon ay si Oscar Dizon. Pero mismong pamilya at mga kasamahan sa kilusang paggawa na ang nagsasabing si Ka Jude ang kanilang naging biktima.

 

 

Hinahamon din namin ang Malacañang na itigil ang panggigipit na ginagawa ng mga kapulisan at hayaan ang pamilya na maiuwi na ang labi ni Ka Jude para maayos na makapagdalamhati at makapagbigay-pugay sa kanya sa pinakamaagap na panahon.

 

 

Patuloy ang ating panawagan sa Malacañang na bigyang pansin din ang iba pang kaso at ang padagdag nang padagdag na bahid ng dugo sa kamay ng estado at ni walang katiting na pagkalinga sa mga manggagawa at mamamayan.

 

 

Hindi titigil ang mga manggagawa at mga organisasyong nagmamahal kay Ka Jude sa pangangalampag sa kinauukulan at sa pagbantay sa nangyayaring imbestigasyon hangga’t hindi nakakamit ang hustisya at napapanagot ang mga berdugong pumaslang sa kanya.

Other News
  • Fajardo papuwede na sa Abril – Austria

    INALIS ni Leovino ‘Leo’ Austria ang agam-agam ng mga Philippine Basketball Association (PBA) at Beermen fan sa pag-absent ni June Mar Fajardo sa Gilas Pilipinas para sana sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiet third window sa Clark sa Pebrero 15-23.     Ginarantiyahan ng San Miguel coach na sigurado naman ang pagbabalik […]

  • Filipino Jonathan Eusebio Directs Stunts in R-Rated Holiday Action-Comedy “Violent Night”

    CHRISTMAS is back in action this year as Santa’s been trained to fight by Filipino stunt director John Eusebio in the upcoming action-comedy “Violent Night”.   From 87North’s Kelly McCormick and David Leitch, producers of bare-knuckle hit films such as Bullet Train, Nobody, John Wick, Atomic Blonde, Deadpool 2 and Fast & Furious Presents: Hobbs […]

  • Ads August 6, 2021