Hamon ng mga Kongresista… VP Duterte ipaliwanag ‘under oath’ confidential funds, renta sa safehouses
- Published on October 21, 2024
- by @peoplesbalita
HINAMON ng mga Kongresista si Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ‘under oath’ kung saan ginasta ang milyon-milyong confidential funds at sobrang mahal na renta ng mga safehouses na walang mga dokumento.
“We are still waiting for the Vice President to explain the need for 34 safehouses in less than two weeks. The public has a right to know why P16 million of their money was spent so dubiously,” ayon kay House Assistant Majority Leader Paolo Ortega.
Ipinunto ni Ortega na ang hindi pagbigay ni Duterte ng malinaw na mga sagot tungkol sa mga safehouse at ang kahina-hinalang paggamit ng mga aktibidad ng AFP bilang pangtakip ay lalong nagpapa-init sa tanong kung sana napunta ang pondo. Binigyan diin ng mambabatas ang kahalagahan na humarap na si Duterte sa pagdinig, manumpa na magsasabi ng totoo at ihayag kung papaano nito ginastos ang pondo.
Sa pinakahuling pagdinig ng Committee on Good Government ay nabuking na ginamit ng DepEd sa ilalim noon ni Duterte, ang sertipikasyon mula sa Armed Forces of the Philippines upang palitawin ang paggastos ng P15 milyong halaga ng confidential funds sa Youth Leadership Summit (YLS) pero sa testimonya ng mga opisyal ng militar, inilahad ng mga ito na kanya-kanyang gastos at zero o walang ibinigay na pondo para dito si VP Sara.
“This is not just about accounting errors; this is deception. Using the military to cover up the improper use of confidential funds is an egregious act,” saad pa ni Acidre.
Bukod pa rito, siniyasat din ng komite ang paggastos ng Office of the Vice President (OVP) ng P16 milyon para sa renta ng mga safehouse sa loob lamang ng 11 araw noong 2022. Ilan sa safehouses ay nagkakahalaga ng P90,000 kada araw habang meron ding P1 milyon. (Daris Jose)
-
ALL-NEW “SCREAM” REVEALS POSTERS OF LEGACY CHARACTERS
IT’S time for a killer reunion. Paramount Pictures has just released the individual posters of the legacy characters of the all-new horror thriller Scream, coming to Philippine movie theatres January 2022. Check out below the character one-sheets of Neve Campbell, Courtney Cox and David Arquette. [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/i3sXCxPaRl0] […]
-
1-week academic healthbreak sa mga paaralan sa Maynila, iniutos ni Yorme
INUMPISAHANG ipatupad kahapon, Biyernes ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang isang linggong ‘healthbreak’ sa mga paaralan sa siyudad upang makapagpahinga umano ang mga guro at mag-aaral. Inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno ang ‘healthbreak’ umpisa Enero 14 hanggang Enero 21 sa lahat ng lebel ng mga pampubliko at pribadong paaralan. […]
-
Tulong medikal at Bayanihan E-Konsulta ni Robredo, ititigil na simula June 1
ITITIGIL na ng Office of the Vice President (OVP) ang kanilang medical assistance at Bayanihan E-Konsulta programs simula sa Hunyo 1. Dahil dito ay hindi na rin tatanggap pa ng anumang aplikasyon para sa medical at burial assistance ang nasabing tanggapan. Ito ay upang magbigay daan sa maayos na transition at […]